Mga Pari sa Diocese of Pasig,nag-ambagan para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,510 total reads

Nag-ambagan ang mga Pari ng Diocese of Pasig para sa ipapadalang cash aid sa Diocese of Marbel Social Action Center na pansamantalang tulong pinansiyal sa mga biktima ng 7.8 na magnitude na lindol noong ika-8 (lunes) ng Hunyo 2026.

Sinabi ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Vergara na ang nakalap na 200-libong pisong cash ay pakikiisa ng mga pari sa libu-libong residente na naapektuhan ng malakas na lindol.

“Simula noong nangyari yan, talagang nandoon yung pakikidalamhati natin sa mga biktima ng sakuna, at alam po natin na talagang hindi inaasahan ang pagdating ng lindol ay talagang bigla-bigla, sa Diyosesis po ng Pasig, dito sa kaganapang ito, agad-agad yung mga Pari po sa aming pag-aambag maglalabas na po kami ng immediately para sa relief ng mga 200-thousand na ipapadala natin sa Social Action Account ng Diocese ng Marbel,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Vergara

Inihayag ng Obispo na tatalima din ang Diocese of Pasig sa kautusan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magsagawa ng 2nd collection sa lahat ng misa ng mga parokya sa Diyosesis upang ilaan na tulong sa earthquake victims.

“Ikalawa po, nagbigay na po ng mensahe po at directive ang ating CBCP-President Archbishop Gilbert Garcera na itong darating na linggo (June 14) na kung pwede ay magkaroon ng 2nd collection ang ating mga parokya, at yan po ay ginawa ko na pong direktba ngayon-ngayong lang para makatulong po sa Diyosesis ng Marbel at iba pang mga nasalanta ng naganap na trahedya na lindol,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Vergara.

Patuloy din ang pagiging aktibo ng iba pang ahensya ng simbahan upang kagyat na maipadala ang tulong sa mga biktima ng lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 62,400 total reads

 62,400 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 107,711 total reads

 107,711 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 129,913 total reads

 129,913 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 166,404 total reads

 166,404 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 383,422 total reads

 383,422 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top