Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mindanao Bishops, hiniling kay PBBM na ideklarang iligal ang Tampakan mining project

SHARE THE TRUTH

 3,148 total views

Muling nanawagan sa Malacañang ang mga obispo ng Mindanao upang hilingin na ideklarang iligal ang Tampakan copper-gold mining project sa Tampakan, South Cotabato.

Pinangunahan ni Marbel Bishop Cerilo Alan Casicas ang pagpapasa ng petisyon sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang ipawalang-bisa ang pagpapalawig sa Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) sa Sagittarius Mines, Inc. (SMI) na namamahala sa Tampakan mine operations.

Ayon sa obispo, ang 12-taong pagpapalawig ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa FTAA ay labag sa konstitusyon at dapat na ipawalang-bisa.

“We respectfully believe that the extension of the FTAA beyond the powers of the MGB and the same must be declared void, especially as the mining operations will impact on critical environmental areas,” ayon kay Bishop Casicas.

Kasama ni Bishop Casicas na nagtungo sa Malacañang sina Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan, at mga abogado mula sa Legal Rights and Natural Resources Center (LRC).

Iginiit ni LRC Direct Legal Services Coordinator, Atty. Rolly Peoro na dahil nagtapos na ang FTAA para sa Tampakan mine, dapat nagsasagawa na muli ang SMI ng public consultations, environmental impact assessment, at iba pang mga panuntunan na kinakailangan sa renewal.

“These safeguards are there to ensure that the utilization of our natural resources is held accountable to the highest office and therefore highest regulatory scrutiny,” ayon kay Peoro.

Maliban kay Bishop Casicas, kabilang sa mga lumagda sa petisyon sina Cotabato Archbishop Angelito Lampon; Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo; at Digos Bishop Guillermo Afable bilang mga kinatawan ng mga pamayanang maaapektuhan ng pagmimina.

Umaasa naman ang Obispo kay Pangulong Marcos na bibigyang-pansin ang panawagan at isaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan at pangangalaga sa inang kalikasan.

“This constitutional power was exclusively lodged to your office, as the President, being the father of the nation, is entrusted to represent the best interests of the Filipino people. May your guidance and leadership of our country be blessed upon by our shared faith to protect the environment,” saad ni Bishop Casicas.

Sasakupin ng Tampakan mine ang nasa humigit-kumulang 10,000 ektaryang lupain na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Soccsksargen at Davao del Sur.

Inaasahang sa loob ng 17 taon, ang proyekto ay makakalikha ng 375,000 toneladang copper o tanso at 360,000 onsang ginto bawat taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,032 total views

 73,032 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,027 total views

 105,027 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,819 total views

 149,819 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,769 total views

 172,769 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,167 total views

 188,167 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 307 total views

 307 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,388 total views

 11,388 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,498 total views

 6,498 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top