Eucharistic adoration sa kapayapaan sa Middle East, hiniling ng Latin Patriarch of Jerusalem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,353 total reads

Hiniling ni Latin Patriarch of Jerusalem Cardinal Pierbattista Pizzaballa sa mga diyosesis ng Holy Land ang pagkakaroon ng Eucharistic adoration para sa kapayapaan sng Middle East.

Ito ang panawagan ng cardinal kasunod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group sa Gaza.

Binigyang diin nito na bukod tanging mga panalangin at paglulhog sa Panginoon ang inaasahan ng bawat isa upang mapagtagumpayan ang karahasan at tuluyang manaig sa lipunan ang kapayapaan at pagkakaisa.

“We ask that on Tuesday, October 17, everyone hold a day of fasting, abstinence, and prayer. Let us organize prayer times with Eucharistic adoration and with recitation of the Rosary to Our Blessed Virgin Mary,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Pizzaballa.

Hinikayat ng pinunong pastol ng Jerusalem ang mga parokya at religious communities sa pagsasagawa ng gawain sa kani-kanilang komunidad lalo’t hindi pinahihintulutan ang malakihang pagtitipon sa Israel dahil sa banta ng seguridad.

October 7 nang sumiklab ang kaguluhan sa bansa nang lusubin ng militanteng Hamas ang isang lugar sa Israel dahilan upang magdeklara ng digmaan ang bansa laban sa mga militante.

Batay sa pinakahuling datos mahigit na sa 2, 000 indibidwal ang nasawi sa magkabilang panig kabilang na rito ang dalawang Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho sa Israel habang mahigit 5, 000 ang nasugatan.

Una nang sinabi ng mga Pilipinong misyonero sa Holy Land ang tuloy-tuloy na pagdaraos ng Banal na Misa sa kanilang mga komunidad para sa natatanging intensyon na kapayapaan ng Israel at Gaza at ang kaliwanagan ng isip ng mga lider na magkasundo sa ikabubuti ng mamamayan.

Samantala mahigit naman sa 50 Pilipino na kasapi ng Israel Defense Force ang kabilang sa humaharap sa digmaan kaya’t hiniling din ang mga panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,061 total reads

 15,061 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,658 total reads

 73,658 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,025 total reads

 159,025 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,761 total reads

 205,761 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,632 total reads

 253,632 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,997 total reads

 353,997 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top