“Moro-moro candidacy, pinangangambahan ng Obispo sa 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total reads

Nangangamba si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na maulit ang moro-moro candidacy ngayong 2022 elections.
Ang tinutukoy ng obispo ay kaugnay sa paghahayag paksyon ng PDP-Laban na Bong Go at Rodrigo Duterte tandem bilang pangulo at pangalawang pangulo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Bishop Pabillo, tulad ng 2016 elections na sa kabila ng pagtanggi ng noo’y alkalde ng Davao ay sa huling pagkataon ay tumakbo rin itong pangulo at nahalal bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

“Ang nakakalungkot lang na kahit na magdeklara sila kahit na magfile pa sila ng kanilang certificate of candidacy may palitan-palitan pa rin hanggang November so hindi ka nakakasigurado na ‘yan ay tatakbo,” ayon kay Bishop Pabillo sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.

Tinukoy ng Obispo ang pagtanggi ni Davao City Mayor Sarah Duterte na pakikilahok sa national arena na hihinala namang hahalili sa reluctant candidate na si Sen. Go sa pagkapangulo o ang Duterte-Duterte tandem.
‘Yung reluctancy na pinapakita nila, baka moro-moro din lang yan. Hindi natin alam, kasi ganun din nung 2016 hindi ba? Si Duterte moro-moro lang hindi ako tatakbo tapos bandang huli tatakbo din siya. Ganun din ang sinasabi ni Sarah Duterte na hindi sya tatakbo ng national office dun lang siya sa Davao baka moro-moro din ang ganiyan.

Lacson and Pacquiao as opposition candidates
Hindi rin kumbinsido ang obispo sa mga lumulutang na oposisyon sa kasalukuyan na kilala rin bilang mga dating tagasuporta ng Pangulo kabilang na si Senators Manny Pacquiao, Tito Sotto at Ping Lacson.

“Pero baka naman laro-laro lang para lalong mahati ang oposisyon. Kaya ‘yan ang dapat nating tingnan. Kasi wala naman silang pinapahayag na talagang kontra sa mga polisiya na ayaw natin tulad ng EJK, corruption-ang lalaki ng korupsyon na nangyayari ngayon. Tulad sa death penalty. Yan si Lacson siya ang nagsusulong ng anti-terrorism law na ngayon ginagamit ng administrasyon sa mga red tagging nila,” dagdag pa ng obispo.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo na maaring ito ay bahagi ng hakbang ng administrasyon na hatiin ang tunay na oposisyon.

Kabilang sa mga pulitikong nagpahayag na ng pagkandidato sa pampanguluhan at pangalawang Pangulo si Senator Manny Paquiao; tambalang Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Dr. Willie Ong.
Nais ding malaman ng obispo ang mga polisiya ng alkalde ng Maynila sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas lalu na ang paninindigan sa West Philippine Sea at ang pagbubukas ng bansa para sa imbestigasyon kaugnay sa karahasan sa International Criminal Court.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,879 total reads

 11,879 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,132 total reads

 13,132 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,370 total reads

 27,370 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,748 total reads

 64,748 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,018 total reads

 96,018 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,490 total reads

 171,490 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,387 total reads

 264,387 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,133 total reads

 13,133 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top