Most Holy Redeemer Parish, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,878 total views

Umapela ng tulong ang Most Holy Redeemer Parish, Masambong, Quezon City para sa mga biktimang apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina at hanging Habagat. Ayon kay Parish Priest Administrator, Fr. Edwin Peter Dionisio, OFM, umabot na sa halos five feet o limang talampakan ang lalim ng baha sa loob ng simbahan kung saan ilang mga kagamitan ang napinsala at nalubog sa tubig.

Bukod dito, nalubog din sa pitong talampakang lalim ng baha ang ilang mga tahanan dahil sa pag-apaw ng San Juan River.

Halos ang buong Masambong ay lubog ng tubig. Pati ‘yung Barangay San Antonio, ‘yung bahagi rin ng San Pedro Bautista, Barangay Talayan, at yung dinadaanan ng San Juan River, lahat ay apektado,” ayon kay Fr. Dionisio sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Dionisio, alas-7:30 ng umaga nang magsimulang pumasok sa loob ng simbahan ang baha, kung saan ilan sa mga isinalba ng pari ay ang Santisimo Sakramento at mga dokumento ng parokya.

Gayunman, marami pa ring gamit ang hindi naisalba at isang retablo rin ang napinsala dahil sa epekto ng pagbaha.

Nananawagan naman ng tulong at panalangin si Fr. Dionisio para sa mga pamilya at indibidwal na direktang naapektuhan ng kalamidad

Patuloy pa rin po tayong magdasal na sana ay humupa na itong masungit na panahon. Gayundin ay nais ko pong manawagan na kung maaari, ‘yun pong mga hindi naapektuhan ay magpadala ng tulong doon sa mga taong nangangailangan,” apela ni Fr. Edwin.

Ipinag-utos na ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga parokyang saklaw mg Diyosesis ng Cubao na buksan ang mga simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lubhang apektado ng kalamidad. Batay sa huling ulat ng Quezon City Government, umabot na sa halos 8,600 pamilya o 26-libong indibidwal ang nagsilikas sa higit 150 evacuation centers sa lungsod. Isinailalim na rin sa state of calamity ang buong Quezon City para magamit ang quick response fund upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa huling ulat naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Adminsitration (PAGASA), itinaas na sa Super Typhoon category ang Bagyong Carina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 44,679 total views

 44,679 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 54,043 total views

 54,043 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 80,499 total views

 80,499 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 129,419 total views

 129,419 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 131,538 total views

 131,538 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top