Muling pagbubukasc ng TVI coal power plant, kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total reads

Mariing kinondena ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang muling pagbubukas ng operasyon ng Thermal Visayas, Inc. (TVI) Coal Power Plant sa Toledo City, Cebu.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi naaangkop sa kasalukuyang sitwasyon ng lalawigan ng Cebu ang pagbubukas ng nasabing planta dahil nasa proseso pa rin ito ng pagbangon mula sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre nang nakaraang taon.

Makadaragdag lamang ito sa pagdurusa ng mga residente dahil ang planta ay magdudulot ng masama at mapanganib na epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga komunidad na malapit dito.

“This calls for public outcry and collective action! This is another example of putting profit first before planet and people,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sa anunsyo ng Philippine Movement for Climate Justice, sinabi nito na ang coal power plant ay lubhang napinsala ng Bagyong Odette, ngunit patuloy pa rin ang operasyon at naglalabas ng maitim na usok at abo sa buong lungsod na nagdudulot naman ng pagkahilo at hindi magandang amoy para sa mga residente.

Kaugnay nito, nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Limpyong Hangin Para sa Tanan (LAHAT) upang ipanawagan ang muling pagsasara ng planta upang hindi na magdulot ng panganib sa kapaligiran at kalusugan.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa lokal na pamahalaan ng Toledo City na kumilos at tuparin ang mandato na panatilihin ang kaligtasan ng mga residente.

Gayundin ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para hindi na ito tuluyan pang makapaminsala sa lungsod maging sa buong lalawigan ng Cebu.

“We call on Toledo’s local government unit to exercise its mandate to secure the safety of its residents and to further investigate this,” saad ni Bishop Alminaza.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 11,867 total reads

 11,867 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 110,956 total reads

 110,956 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,224 total reads

 155,224 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,337 total reads

 178,337 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,719 total reads

 252,719 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,457 total reads

 144,457 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top