Muling pagpapahintulot ng pagmimina sa South Cotabato, ikinababahala ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,125 total reads

Ikinababahala ng Alyansa Tigil Mina ang binabalak ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato na muling pahintulutan ang operasyon ng pagmimina sa lalawigan.

Hinggil ito sa panawagan ng Diocese of Cotabato at iba pang makakalikasang grupo na patuloy na ipagbawal ang pagsasagawa ng open-pit mining partikular na ang kontrobersyal na Tampakan mining project.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, nauunawan nilang responsibilidad at kapangyarihan ng lokal na pamahalaan ang magpasa at magpatupad ng mga batas at panuntunan para sa ikabubuti ng kinasasakupan.

Ngunit, sinabi ni Garganera na dapat pa ring isaalang-alang ng pamahalaan na palaging magkaugnay ang aspeto ng pag-unlad at pangangalaga sa mga likas na yaman.

“Nakakalungkot ‘yung development na ito kasi isang environmental protection law ang kanilang babaguhin. Hindi biro kasi ‘yung amendment na gagawin nila. Ang aamyendahan nila ay ‘yung provincial environment code at sa kabuuan mukhang malinaw ‘yung intensyon na tanggalin lamang ‘yung ban on open pit mining,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ng opisyal, marami ring hindi nasusunod na panuntunan o mga tamang paraan sa proseso ng pagbabago ng provincial environment code.

Kabilang na rito ang hindi pagkakaroon ng maayos na konsultasyon sa mga apektadong komunidad; kakulangan sa mga dokumento na nagpapatunay at nagpapakita ng mga pinag-usapan sa mga public hearing; at ang maayos na pakikipag-debate sa pagitan ng lokal na pamahalaan at komunidad.

Maliban dito, dagdag pa ni Garganera na maging ang Diyosesis ng Cotabato na nangunguna sa pangangampanya laban sa mapaminsalang proyekto ay nakakaranas na rin ng pagbabanta at paninira.

“Bahagi nung ating ikinalulungkot ay maraming naninindigan pero sinisira ‘yung kanilang reputasyon at sinasabi na nagsisinungaling. Pero lahat tayo, lahat ng makakalikasang grupo lalo na ang nangunguna mula d’yan kay Bishop [Allan] Casicas, sa diocese at mga taga-parokya, ginagamit natin ‘yung scince-based evidence mula sa pag-aaral ng iba’t ibang grupo,” ayon kay Garganera.

Magugunita noong Agosto 2021 nang maglunsad ng signature campaign ang diyosesis bilang pagsuporta sa panawagang pigilan ang Sangguniang Panlalawigan sa pagbawi sa ban para sa open-pit mining.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,380 total reads

 33,380 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,652 total reads

 64,652 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,470 total reads

 142,470 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 236,699 total reads

 236,699 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 295,961 total reads

 295,961 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,457 total reads

 72,457 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top