Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 284 total views

Ang Mabuting Balita, 21 Pebrero 2024 – Lucas 11: 29-32

NAG-AKSAYA

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

————

Hindi kailangan ng palatandaan mula sa langit upang tayo ay magsisi. Mayroong mga ilan sa atin na huli na nagsisi at nanghinayang na hindi nila ito ginawa ng mas maaga. Marahil, hindi natin naiintindihan na ang pagsisisi ay bahagi ng buhay ng bawat Kristiyano. Ang pinakadahilan kung bakit ipinadala sa atin si Jesus ng Ama ay upang tayo ay maligtas at magkaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang buhay na walang hanggan. Tayo ay makapagsisisi at makababalik sa Diyos sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagbabalik-Loob. Hindi kailangang magsisi sa ating mga naging kasalanan sa nakaraan kapag tayo ay magkasakit ng malubha at nakamamatay, o kung tayo ay maaksidente at mabaldado, atbp.. NAG-AKSAYA tayo ng ating buhay na nakaraan kung saan sana tayo nakaranas ng kapayapaan at kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos, at kung saan sana tayo nakapamahagi ng pagmamahal at kaligayahan sa mga tao sa ating kapaligiran.

Panginoong Jesus, turuan mo kaming maging mapagpakumbaba na aminin na kami ay nangangailangan ng kapatawaran mula sa iyo at sa iba!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,217 total views

 51,217 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,086 total views

 47,086 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,288 total views

 83,288 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,887 total views

 91,887 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,883 total views

 116,883 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ETERNALLY PRESENT

 1,508 total views

 1,508 total views Gospel Reading for June 07, 2026 – John 6: 51-58 ETERNALLY PRESENT The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ

Read More »

IN OUR HEARTS

 2,964 total views

 2,964 total views Gospel Reading for June 06, 2026 – Mark 12: 38-44 IN OUR HEARTS In the course of his teaching Jesus said, “Beware of

Read More »

ONCE AND FOR ALL

 3,075 total views

 3,075 total views Gospel Reading for June 05, 2026 – Mark 12: 35-37 ONCE AND FOR ALL As Jesus was teaching in the temple area he

Read More »

BEST VERSION

 3,238 total views

 3,238 total views Gospel Reading for June 04, 2026 – Mark 12: 28-34 BEST VERSION One of the scribes came to Jesus and asked him, “Which

Read More »
Scroll to Top