Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Kapanalig, napaaraming Filipino ngayon ang kumakapit sa pagasang makatakas ng kahirapan. At marami sa kanila, ang pag-a-abroad ang nakikitang paraan magawa ito. Dito kasi sa ating bansa, nasa 18.1% ang poverty incidence. Katumbas ito ng halos 20 milyong naghihirap na Filipino.

Kaya lamang, nagdidilim ang pag-asang ito dahil maski ang pangarap na makatrabaho sa ibang bansa ay ginagawang bangungot ng mga taong nanamantala sa kahirapan at kahinaan ng mga kababayan natin.

Nitong unang dalawang buwan ng 2023, tumaas ang bilang ng mga biktima ng human trafficking sa ating bansa. 2,000 tao ang naging biktima nito noong Enero at Pebrero, halos kasingdami na ng bilang para sa buong taon ng 2022.

Ayon sa mga pagsusuri, karaniwang dinadala ang mga Filipinong  biktima ng hunan trafficking sa Myanmar. Doon, kinukumpiska ang kanilang mga passports. Dinadala sila sa forced labor, kung saan karaniwang sila ay pinagtatrabaho nilang call center agents ng mga online scamming at iba pang illegal na gawain. Marami sa kanila ay tino-torture kapag hindi nakamit ang mga takdang sales quota. May mga kababayan tayong kinukuryente, binubugbog, at pinapalipat-lipat sa iba ibang mga amo.

Kapanalig, sa halip na bumuti ang buhay ng ating mga kababayan nag-a-abroad, marami sa kanila ay nasasadlak pa sa madilim na mundo ng human trafficking. Paano ba natin mawawaksi ang krimen na ito sa ating bayan?

Ang maigting na pagbabantay ng ating pamahalaaan sa isyung ito ay napakahalaga. Ang Department of Foreign Affairs, Department of Justice, at iba pang kaugnay na ahensya ay kailangan pang bigyan ng ipin ang the Anti-Trafficking in Persons Act, ang batas ng bansa na naglalayon na matanggal at mapigil ang krimen na ito sa ating bayan.

Kailangan din ng bansa na mas mataas na kamalayan ukol sa human trafficking, ang mga karaniwang modus nito, at paano maiwasan maging biktima nito. Kadalasan, maraming mga Filipino ang nabibiktima nito dahil sa pagnanais na umunlad, hindi na nila nakikita o nahahalata ang panlilinlang na ginawaga sa kanila.

Kailangan din, siyempre, matugunan ang problema ng kahirapan at kakulangan sa trabaho sa bansa, lalo na sa mga lalawigan. Kung mahaharap natin ito, hindi na kailangan ng mag-abroad ng maraming Filipino para magkaroon ng trabaho.

Kapanalig, maantig sana tayo sa mga kataga noon ni Pope Francis ukol sa human trafficking sa kanyang sulat para kay Archbishop Jean-Louis Tauran para sa International Conference “Twenty-First Century Slavery – The Human Rights Dimension to Trafficking in Human Beings: The trade in human persons constitutes a shocking offence against human dignity and a grave violation of fundamental human rights…Such situations are an affront to fundamental values which are shared by all cultures and peoples, values rooted in the very nature of the human person.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 206,130 total reads

 206,130 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 233,491 total reads

 233,491 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 267,612 total reads

 267,612 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 324,016 total reads

 324,016 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 206,131 total reads

 206,131 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 233,492 total reads

 233,492 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 267,613 total reads

 267,613 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 324,017 total reads

 324,017 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top