2,797 total views
Ayon sa obispo masigasig si Bishop Victor Ocampo sa paglilingkod sa pamayanan lalo na sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.
Aniya mahalaga kay Bishop Ocampo ang mapalakas ang ebangbelisasyon sa pagbabasa ng bibliya upang higit maunawaan ng mananampalataya ang mga Salita ng Diyos.
“He was very simple, very dedicated person, he can deal with anybody in any walks of life. At the same time napakahalaga sa kanya ang Salita ng Diyos, he would always promote reading the Bible,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Si Bishop Ocampo ay nagsilbing Rector ng Cathedral Shrine Parish of St. Joseph sa Balanga City, Bataan noong si Bishop Ongtioco ang obispo ng Diocese of Balanga.
Nakiisa si Bishop Ongtioco sa pagdadalamhati ng mananampalataya ng Diocese of Gumaca sa biglaang pagpanaw ng kanilang pinunong pastol.
Samantala, March 20 hanggang 22 nakahimlay ang labi ni Bishop Ocampo sa Balanga Cathedral upang mabigyang pagkakataon ang mananampalataya na magbigay pugay sa pumanaw na obispo.
Nag alay ng Misa ang ilang obispo para kay Bishop Ocampo kung saan sa isang pagninilay inalala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang pagiging masayahin ng namayapang obispo at mabuting halimbawa sa pamayanan.
“Bishop Vic is a very jolly and happy person, isa siyang magandang huwaran ng pagiging mabuting kristiyano at pastol ng simbahan,” ani Bishop Bacani.
Kabilang sa mga nag alay ng Misa sa tatlong araw na paglagak ng labi ni Bishop Ocampo sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Iba Bishop Bartolome Santos, Antipolo Bishop Francisco de Leon, Capiz Archbishop – elect Victor Bendico, Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara at Balanga Bishop Ruperto Santos.
March 16 nang hapon pumanaw si Bishop Ocampo sa edad na 71 taong gulang dahil sa atake sa puso.
Ipinanganak ang obispo noong March 6, 1952 at inordinahang pari ng Balanga noong November 5, 1977.
Hinirang ni Pope Francis bilang ikatlong obispo ng Gumaca noong Hunyo 2015, ginawaran ng Episcopal Ordination ni Cardinal Luis Antonio Tagle nang August 29 at pormal na iniluklok sa Gumaca ng Setyembre ng parehong taon.