Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total views

Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries.

Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa.

Ayon sa Obispo, dapat suportahan ng pamahalaan ang magagandang inisyatibo ng mamamayan upang mabawasan ang paghihirap ng mga nasasakupan.

“Sa halip na ito’y tulungan, sa halip na isulong nandiyan na naman ang red-tagging; ganoon ka-insecure ang ating pamahalaan, ang ating kapulisan na kapag may ginagawa para sa tao sinasabi nila na iyan ay laban sa gobyerno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis na maganda ang hangarin sa pagtatayo ng community pantries para tulungan ang mga labis naapektuhan ng pandemya.

Nitong Abril 20, pansamantalang itinigil ang operasyon sa Maginhawa Community Pantry na sinimulan ni Patricia Non dahil sa pangamba sa seguridad ng mga kasamahang volunteers makaraang tatlong kawani ng Philippine National Police ang nag-iimbestiga kung anong grupo ang nasa likod ng community pantry.

Lantaran din ang red-tagging sa mga community pantries sa mga social media pages sa pangangasiwa ng ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Panawagan ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at militar na gamitin ang malaking halaga ng pondong alokasyon sa pag-iimbestiga hinggil sa terorismo.

“Iyong mga pulis, militar at pamahalaan, malaki ang kanilang budget, mga anti-subersive funding dapat gamitin ito sa pag-iimbestiga, hindi iyong basta-basta mag redtagged ng mga tao o grupo,” ani Bishop Pabillo.

Una nang pinabulaanan ni PNP Chief Debold Sinas ang profiling at tiniyak na paiimbestigahan ang naturang insidente.

Nakipag-ugnayan na rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Non kasunod ng paghingi ng tulong sa lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.

Suportado ng alkalde ang community pantries sapagkat makatutulong ito sa pangangailangan ng mamamayan at pagpapakita ng bayanihan sa panahon ng higit nangangailangan ang kapwa.

Bago maging patok sa mga komunidad ang community pantries, una nang naglunsad ang Caritas Philippines noong Marso 2020 nang ‘Kindness Station’ na kahalintulad na konsepto sa community pantry

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 106,429 total views

 106,429 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 136,652 total views

 136,652 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 163,300 total views

 163,300 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 258,273 total views

 258,273 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 272,433 total views

 272,433 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top