Obispo, nag-alay ng panalangin sa dumaranas ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,033 total reads

Nagpaabot ng mensahe ng pakikiisa ang opisyal ng Catholic Bishops’ of the Philippines sa World Mental Health Day para sa mga taong nakararanas ng suliranin sa kaisipang pangkalusugan kasabay ng nararanasang krisis dulot ng corona virus disease.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, hindi lamang pangkatawan ang kalusugan, kundi maging sa kaisipan na dapat na pakaingatan at pagtuunan ng pansin.

“Kaya dapat maging maingat at maging conscious tayo kasi ito’y bahagi rin ng ating kalusugan. Madalas nakikita natin ang kalusugan natin na pangkatawan lang, kun’di pati sa ating kaisipan, may kalusugan din d’yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinikayat ng obispo ang pag-aalay ng panalangin para sa mga taong may problema sa mental health na makatutulong para mapagaan ang kanilang mga dinaramdam.

Iginiit ng Obispo na ang mga nag-aalay ng panalangin sa kapwa ay matutulungan ring maibsan ang pansariling karamdaman sa kaisipan.

Panalangin ni Bishop Pabillo sa paggunita ng World Mental Health Day:

“Diyos Amang mapagmahal, kami po’y nagpapasalamat sa’yo sa biyaya ng aming kalusugan. Kalusugan sa aming katawan, sa aming kaisipan at sa aming kaluluwa.

Ipinagdadasal po namin ngayon ang World Mental Health Awareness, ang mga kapatid namin na magkaiba po ng mga problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Gabayan n’yo po sila, iligtas n’yo po sila, bigyan po sila ng mga taong makakaunawa sa kanila at makakatulong sa kanila; At ipinagdarasal din po namin na kaming lahat ay maligtas sa ganitong karamdaman sa aming kaisipan.

Ito po’y aming hinihiling sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.”

Gugunitain ang World Mental Health Day sa ika-10 ng Oktubre upang mabigyang-pansin at magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa lumalalang bilang ng mga taong nakararanas ng depresyon na humahantong sa pagpapatiwakal.

Batay naman sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), umabot sa 953 ang mga tawag na kanilang natanggap noong Marso hanggang Mayo, 2020.

Inihayag ng N-C-M-H na ang monthly average calls na may kaugnayan sa suicide ay tumaas ng 45 kada buwan.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng depression dahil sa epekto ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 63,792 total reads

 63,792 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 159,719 total reads

 159,719 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 203,987 total reads

 203,987 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 227,096 total reads

 227,096 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 299,444 total reads

 299,444 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,211 total reads

 146,211 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top