Obispo ng Pilipinas kay US President Biden; Isulong ang kahalagahan ng buhay

SHARE THE TRUTH

 473 total views

Umaasa ang opisyal ng migrant’s ministry Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging matatag at magtataguyod sa karapatan ng mamamayan ang administrasyon ni US President Joe Biden.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ng CBCP-ECMI at Bishop promoter ng Stella Maris-Philippines nawa’y isabuhay ni Biden ang pagiging Katoliko sa pamamahala nito sa Estados Unidos.

“As Catholic may he pursue our teachings of respect and protection of life; responsible stewardship of the earth and promotion of peace,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Dagdag pa ni Bishop Santos, kasabay ng pagdeklara ng Kanyang Kabanalan Francisco sa taong 2021 bilang Year of Saint Joseph nawa’y maging daan ang administrasyong Biden sa pangangala sa mamamayan ng Amerika sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon, pananaw at pinagmulan.

“May the president [Biden] take good care, charity and compassion with plight of migrant families, and our dear seafarers,” ani ng obispo.

Enero 20, nang manumpa si US President Biden at Vice President Kamala Harris bilang bagong pinuno ng America.

Sa tala ng Migration Policy Institute noong 2018 mahigit sa dalawang milyon ang mga Filipino sa Estados Unidos o katumbas sa 4.5 poryento sa kabuuang 44-milyong mga migrante ng Amerika.

Patuloy namang ipinapanalangin ng simbahan ang matagumpay na pamumuno ni Biden sa Amerika.

“CBCP-Stella Maris-Philippines pray hard and it is our ardent hoep that President Biden with his administration will be safe, strong and successful in his term and tenure,” dagdag ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,439 total views

 3,439 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,800 total views

 28,800 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,428 total views

 39,428 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,404 total views

 60,404 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 79,109 total views

 79,109 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top