Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo sa mananampalataya, tularan ang birheng Maria

SHARE THE TRUTH

 559 total views

Inaanyayahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria na buong pusong sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng obispo sa isinagawang pagpuputong ng korona sa Nuestra Señora Delas Flores de Bocaue na ginanap sa St. Martin of Tours Parish Bocaue Bulacan nitong ika – 21 ng Nobyembre.

Ayon kay Bishop Villarojo, ang Mahal na Ina ang maituturing na unang disipulo ng Panginoon sapagkat ito ang kauna-unahang tumugon sa paanyayang magdalangtao sa Tagapagligtas ng sangkatauhan.

“Ating kinikilala si Maria bilang unang disipulo, ang unang alagad sapagkat siya ay bukas-puso, bukas-isip at bukas-palad; nawa,y tayo rin ay maging alagad ng ating Panginoon tulad ng Mahal na Ina,” pagninilay ni Bishop Villarojo.

Nagagalak ang obispo sapagkat ipinapamalas pa rin ng mga Filipino ang tunay na debosyon sa Mahal na Ina.

Sinabi pa ni Bishop Villarojo na bukod sa pagiging bukas ang isipan, bukas ang puso sa paghuhubog ng mga Salita ng Diyos ay higit na mahalaga ang pagiging bukas palad sa paglingap sa kapwa.

Pinaalalahanan ng obispo ng Malolos ang mamamayan na magtulungan at magkaisa sa paglingap lalo na sa mga nabiktima ng kalamidad kamakailan.

Matatandaang 1984 nang italaga ni Rev. Fr. Miguel Paez ang imahe ng Nuestra Señora de las FLores of Bocaue na kalaunan ay lumawak ang debosyon.

Bahagyang nahinto ang debosyon sa Mahal na Ina ng Bocaue ng mahigit isang dekada sa ilang kadahilanan subalit muli itong inilunsad noong Mayo 1, 2014 sa pagsisimula ng Flores de Mayo kasabay ng pagbuhay sa tradisyon tulad ng kilalang fluvial procession ng “Mahal na Krus ng Wawa”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 11,063 total views

 11,063 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 30,748 total views

 30,748 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 68,691 total views

 68,691 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 86,911 total views

 86,911 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567