OFW’s sa Thailand, hinimok na huwag sayangin ang pagkakataong makasalamuha ang Santo Papa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 392 total reads

Hinimok ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga Overseas Filipino Worker sa Thailand na makiisa sa mainit na pagtanggap ng mamamayan sa pagdalaw ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Bishop Mallari, isang biyaya ito sa pananampalatayang Katoliko na makasalamuha ang pinunong pastol ng simbahan at madama ang presensya ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

“Isang biyaya na makiisa tayo, nasisiguro ko na ito ay magbibigay sa ating lahat ng mga biyaya na makatutulong sa ating kabanalan,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Si Bishop Mallari ay dadalo sa tatlong araw na Apostolic trip ni Pope Francis sa Thailand bilang bahagi ng Federation of Asian Bihsops’ Conference (FABC) na nakatakdang makipagpulong sa Santo Papa.

Sa panayam ng Radio Veritas, una nang hinimok ni Bangkok Archbishop Francis – Xavier Kriengsak Kovithanij ang halos 20, 000 migranteng Filipino sa Thailand na makiisa sa mga pagtitipon lalo na ang Banal na Misa na gaganapin sa National Stadium sa Bangkok sa ika – 21 ng Nobyembre.

Ayon sa Arsobispo, ang pagbisita ni Pope Francis ay nagpapatunay na kumikilos ang Simbahan sa paglingap sa mamamayang nangangailangan ng kalingang espiritwal at mga hakbang tungo sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan at pagkabubuklod buklod ng mga pamayanan.

Hamon ni Bishop Mallari sa mga Filipino sa Thailand na samantalahin ang panahong bibisita ang Santo Papa sa nasabing bansa mula ika – 20 hanggang 23 ng Nobyembre.

“Huwag nating sayangin ang gintong pagkakataon,” saad pa ni Bishop Mallari

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,532 total reads

 17,532 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,559 total reads

 54,559 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,829 total reads

 280,829 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,296 total reads

 174,296 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,392 total reads

 267,392 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top