On-site health care workers, panawagan ng labor groups sa mga employer at pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Pinaalalahanan ng ibat-ibang labor groups ang mga employers at pamahalaan na magpatupad ng ibat-ibang polisiya na pangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa sa banta ng COVID-19 virus.

Ito ay sa nakatakdang pagpapatupad ng Executive Order No.3 ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na voluntary at hindi na mandatory ang pagsusuot ng face-mask sa mga pampublikong lugar.

Iminungkahi ni Elmer Labog – Co Chairperson ng Church People Workers Solidarity na tugunan ang mga panawagan ng pagtataas ng minimum wage at buwagin ang kontrakwalisasyon upang makakain ng sapat at matibay ang resistensya ng mga manggagawa laban sa banta ng virus.

“Una sa lahat mahalaga ang apat na pangunahing kahilingan ng mga manggagawa na dapat isakatuparan sa pag-alis ng mandatory face mask regulation, 1.Itaas ang sahod, 2.Regularisasyon at end ENDO, 3.Pagsunod sa occupational safety & health at 4.Pagtiyak na marespato ang trade union policy rights,”mensaheng ipinadala ni Labog sa Radio Veritas.

Paalala naman ni Leody De Guzman – Chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), kakailanganin ng mga kompanya na magkaroon ng mga onsite healthcare workers upang higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa.

“Dapat mag-provide ng vitamins sa mga manggagawa na magpapalakas ng kanilang immune system, magawa ang daily temperature ng mga empleyado, pag-disinfect ng working area,” pahayag ni De Guzman sa Radio Veritas

Inirekomenda naman ni Atty.Sonny Matula – Pangulo ng Federation of Free Workers na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga manggagawa, employers, occupation safety at health committee officers ng mga kompanya upang mapanatiling ligtas sa COVID-19 ang bawat isa.

Unang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosaria Vergeire na mas nais ng Department of Health na mapanatili ang mandatory policy sa pagsusuot ng facemask.

Patuloy naman ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,974 total reads

 66,974 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,626 total reads

 102,626 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,926 total reads

 137,926 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,196 total reads

 364,196 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,813 total reads

 253,813 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top