Online Simbang gabi, isasagawa sa UAE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Isasagawa online ng Filipino community sa United Arab Emirates ang trasdisyunal na simbang gabi batay na rin sa alintuntunin na ipinatupad sa bansa.

Ayon kay Gis Specialist and Field Soil Technician Rommel Pangilinan, ang social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi mahalagang sundin ang panuntunan ng pamahalaan para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan.

“We have to adhere sa guidelines ng gobyerno para sa safety ng mga mamamayan ng UAE; kaya magiging virtual ang aming simbang gabi this year,” pahayag ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Sinabi ni Pangilinan na ipinagbabawal ng pamahalaan ng UAE ang mga mass gatherings kabilang na rito ang mga gawaing simbahan lalo na sa nalalapit na pasko upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Batay sa World Meters Info sa humigit kumulang 172-libong kaso ng COVID-19 sa UAE, 14 na libo rito ang aktibong kaso habang gumaling naman ang 156, 000 na mamamayan.



Matutunghayan ang simbang gabi sa Facebook page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi na magmumula sa St. Josephs Cathedral sa Abu Dhabi mula ika – 15 hanggang ika – 23 ng Disyembre ganap na ikapito ng gabi.

Inaanyayahan din ni Rev. Fr. Troy de los Santos, OFM Cap., Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia ang mahigit isang milyong Katoliko sa Abu Dhabi na makiisa sa siyam na araw na paghahanda ng Pasko ng Pagsilang.
Tinatayang may 700, 000 ang mga Overseas Filipino Workers na Katoliko sa Abu Dhabi.

Saad naman ni Pangilinan na marahil ito ay pamamaraan ng Diyos upang maging ligtas ang bawat isa sa banta ng nakahahawang sakit.

“Siguro this is God’s plan na maging safe ang Simbang Gabi; pwede nating kompletuhin ang simbang gabi sa online,” ani Pangilinan.

Sa panuntunang inilabas ng pamahalaan ng UAE, ipinagbabawal ang pagtitipon sa National Day, Pasko at ang Bagong taon.

Paalala nito sa mamamayan na gawing virtual ang mga pagtitipon, bawal din ang palitan ng regalo at pagkain, ang mga konsiyerto na lampas sa tatlong oras ay kinakailangang aprubahan ng pamahalaan at mahigpit pa ring iiral ang mga safety health protocol sa Middle East.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 7,718 total reads

 7,718 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 150,038 total reads

 150,038 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 184,716 total reads

 184,716 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 202,359 total reads

 202,359 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 238,844 total reads

 238,844 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 248,303 total reads

 248,303 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top