Online telethon ng Diocese of Novaliches, nakakalap ng 8-milyong piso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

Umabot sa halos 8-milyong piso ang nalikom na pondo ng Diocese of Novaliches sa isinagawang online Diocesan Telethon ng diyosesis na may titulong “Tinapay ko, Handog ko”.

Nagsimula ang gawain ganap na alas-syete ng umaga sa pamamagitan ng isang banal na misa na pinagunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na nagtapos ng alas-syete ng gabi.

Ayon kay Bishop Gaa, ang isinagawang online Diocesan Telethon ng diyosesis ay isang paraan ng paglilingkod ng Simbahan para sa mga nangangailangan bilang daluyan ng kabutihan ng bawat isa para sa kanyang kapwa.

Paliwanag ng Obispo, hindi nagtatapos sa buong araw na online Diocesan Telethon ng diyosesis ang pagtanggap ng Simbahan sa tulong para sa mga nangangailangan sa halip ay patuloy ang paanyaya ng buong diyosesis upang patuloy na magpaabot ng tulong sa kapwa.

Pagbabahagi ni Bishop Gaa, ang paglilingkod sa kapwa ay hindi dapat na nakabatay sa pagkakakilala o relasyon sa mga nangangailangan kundi paglilingkod sa Panginoon.

“Ang sa akin po ito yung paglilingkod ng Simbahan sa lahat ng nangangailangan kahit na sabihin natin na para bang ito’y hindi natin napapansin at nasa laylayan ng lipunan at para sa akin ito ay paanyaya at patuloy na paanyaya para sa ating lahat na maglingkod sa ating kapwa, hindi natin kilala, hindi natin kaano-ano pero patuloy natin silang paglilingkuran sila’y pinagkatiwala sa atin ng Diyos,” pahayag ni Bishop Roberto Gaa.

Una ng binigyang diin ni Bishop Gaa na kinakailangang umaksyon ng lahat para sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya bilang daluyan ng habag, awa at pag-ibig ng Panginoon.

Samantala, bukod sa pagpapasalamat sa lahat ng mga nakibahagi at nagpaabot ng tulong at donasyon ay pinasalamatan rin ni Bishop Gaa ang mga volunteers mula sa iba’t ibang parokya at komisyon ng diyosesis na nagsumikap upang maging matagumpay ang isinagawang online Diocesan Telethon ng Diyosesis ng Novaliches.

Ilalaan ng diyosesis ang anumang malilikom na pondo upang makapagkaloob ng food assistance sa may 1,000 hanggang 1,500 pamilya sa bawat parokya partikular na sa mga mahihirap na komunidad sa diyosesis.

Ayon sa Social Communications and Media Ministry ng diyosesis ang gawain ay bahagi rin ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng pagiging Obispo ni Bishop Gaa sa Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 33,859 total reads

 33,859 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 71,721 total reads

 71,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 107,020 total reads

 107,020 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 333,290 total reads

 333,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 224,581 total reads

 224,581 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top