Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,952 total reads

Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan.

Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng mga makapangyarihan sa lipunan.

“Marami sa mga katutubo natin ay mahihirap at pinapahirapan pa. Kinukuha ang mga lupaing ninuno nila. Ang mga lupain nila ang minimina at sila ay nalilinlang kasi hindi sila gaano nakapag-aral,” ayon kay Bishop Pabillo.
Ikinalungkot ni Bishop Pabillo na sa halip arugain ang mga katutubo dahil sa kawalang kakayahan sa mga kabundukan ay palagi naman itong itinuturing na mga rebelde at kalaban ng pamahalaan.

“Ang malungkot pa, ang mga paaralan nila ay sinisira ng military kasi pinagbibintangan silang komunista at rebelde. Pinapanatili silang mangmang upang madaling matakot at madaling malinlang,” giit ni Bishop Pabillo.

Batay sa pag-aaral ng European Union-funded Governance in Justice Programme humigit kumulang sa 17-milyon ang mga katutubo sa Pilipinas mula sa 110 ethnolinguistic groups na kasalukuyang nahaharap sa diskriminasyon, kawalang access sa social services ng lipunan, gayundin ang kawalang oportunidad sa usaping pampulitika at pang ekonomiya.

Bukod pa rito ang mataas na bilang ng walang hanapbuhay sa mga katutubo, walang birth certificate at higit sa lahat ang mataas na bilang ng illiteracy.

Dahil dito apela ni Bishop Pabillo sa mamamayand lalo na ang mga lider ng pamahalaan na bigyang pansin ang mga katutubo dahil ito ang katuwang sa pangangalaga ng kalikasan at nagtataguyod sa mga likas na yamang kaloob ng Diyos sa sanlibutan.

“Pahalagahan natin ang mga katutubo, sila ang may malalim na kaugnayan sa kagubatan at kalikasan…sila ang makatutulong sa atin paano pangalagaan ang lupa at karagatan,” giit ni Bishop Pabillo.

Nagsagawa naman ng second collection ang simbahang katolika sa Pilipinas para pondohan ang mga programang nakalaan sa mga katutubo sa pangunguna ng CBCP Episcopal Commission on Indigenous Peoples na kasalukuyang pinamumunuan ni Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,838 total reads

 15,838 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 33,598 total reads

 33,598 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 62,174 total reads

 62,174 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 110,439 total reads

 110,439 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 132,528 total reads

 132,528 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 230,610 total reads

 230,610 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top