Opisyal ng CBCP, duda sa pagpapawalang sala kay Napoles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,008 total reads

Kaduda-duda ang pagpawalang sala ng Sandiganbayan kay Janet Lim Napoles kaugnay sa 16 counts ng graft charges.

Ayon kay EDSA Shrine Rector at CBCP Public Affairs Commission Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, bagamat napawalang sala ay nakatatak sa bawat Pilipino ang matinding katiwaliang kinasangkutan ni Napoles kasama ang ilang mambabatas at mataas na opisyal ng pamahalaan.

“It’s of course a tremendous surprise to learn about her acquittal. But, public opinion, where she was apparently found guilty, is totally different from a court decision,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan 1st Division, ipinagwalang bisa nito ang 16 na kasong graft and coruption laban kay Napoles sa pork barrel scam na ini-ugnay kay Senator Ramon Revilla Jr.

Ikinatwiran ng anti-graft court na kulang ang mga dokumento at ebidensyang isinumite para patunayang nalabag ni Napoles ang Section 3 (e) ng Republic Act 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nag-ugat ang kaso sa akusasyong pinondohan ni Revilla ng 224-milyong piso mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang bogus on-government organizations ni Napoles.

Unang napawalang sala si Revilla sa kasong pandarambong kaugnay sa pork barrel scam noong 2021 dahil sa kawalang sapat na ebidensya.

Kasabay ng pagpawalang sala ay ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pagtanggal sa Hold Departure Orders kay Napoles.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang dinidinig ng korte ang 15 counts graft cases ni Napoles kaugnay sa PDAF ni dating senador at ngayo’y kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Umaapela naman si Fr. Secillano sa mamamayan na maging mapagmatyag lalo na sa mga nanungkulang opisyal ng pamahalaan upang mapangalagaan ang pera ng taumbayan na ipinagkatiwala sa pamahalaan ang pangangasiwa para sa kabutihan ng nakararami.

“Let’s forever remain vigilant so that nothing of this sort may happen again and that true justice may be served,” ani Fr. Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 189,532 total reads

 189,532 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 260,057 total reads

 260,057 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 293,506 total reads

 293,506 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 328,806 total reads

 328,806 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 547,679 total reads

 547,679 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top