Opisyal ng pamahalaan na nakipagsabwatan sa POGOs, papanagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,346 total reads

Tiniyak ng pinuno ng House Quad Committee ang paglalantad at pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtaksil sa bansa sa pakikipagsabwatan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa kalakalan ng droga, human trafficking, at money laundering.

Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa ikaanim na pagdinig ng joint panel na nag-iimbestiga sa koneksyon ng POGO, kalakalan ng droga, pangangamkam ng lupain ng mga Chinese national, at sa sinasabing extra judicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Kinondena rin ni Barbers, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang mga opisyal ng gobyerno sa pagpapahalaga ng kanilang sariling interes sa halip na kapakanan ng taong bayan, dahil sa pakikipagtulungan sa mga sindikato at gumawa ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay, pagpapahirap, at human trafficking.

“Di alintana ang kapahamakang idudulot sa bayan, itong mga traydor na ito ay hinayaang yumabong at lumaki ang impluwensya at kapangyarihan ng mga sindikatong ito, basta lamang mapuno ang mga bulsa ng kayamanang kapalit ng dangal ng bayan,” pagdidiin pa ni Barbers.

Sinabi ni Barbers na sa mga nakalipas na pagdinig ay nailantad na ang mga POGO ay ginagamit lamang bilang ‘front’ o pantakip para sa iba’t ibang illegal na gawain.

Natuklasan din sa mga pagdinig ng Quad Committee kung paano ginamit ang drug money upang impluwensyahan at mga tiwali sa gobyerno, para magkaroon ng pekeng Filipino identity, at sa mga POGO na makakuha ng malalawak na lupain at mga ari-arian.

“Lahat po ito ay nangyari sapagkat nakipagsabwatan sa kanila ang mga kawani ng gobyerno. Kapalit ang salapi, pumayag at hinayaan ng mga kawani at matataas na opisyal ng gobyerno na sila ay magamit bilang mga protektor, kinatawan, at mistulang nag-abogado para sa mga POGO na ito,” punto pa ni Barbers.

Iginiit ni Barbers na layunin ng patuloy na imbestigasyon ng komite ay hindi lamang ilantad ang mga sangkot, kundi ang paglikha ng naangkop na batas upang hindi na maulit ang ganitong uri ng mga pang-aabuso sa hinaharap.

Ilan sa mga iminumungkahing panukalang batas ay ang pag-angkop sa U.S. Racketeer Influenced and Corrupt Organizations (RICO) Act, pag-amyenda sa Anti-Dummy Law, at muling pagsusuri sa Special Investors Resident Visa Program.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,898 total reads

 18,898 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,444 total reads

 38,444 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,116 total reads

 78,116 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,244 total reads

 112,244 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,649 total reads

 168,649 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 33,471 total reads

 33,471 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top