Opisyal ng simbahan, hindi sang-ayon na gawing state witness ang mag-asawang Discaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,654 total reads

Mariing nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na huwag baluktutin ang batas para sa kapakanan ng iilan sa halip ay palakasin ito at ganap na ipatupad upang mapanatiling protektado ang mamamayang Pilipino.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Rev. Fr. Jerome Secillano -executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, sa gitna ng umiigting na tensyon sa usapin ng pagiging state witness ng ilang mga akusado sa anomalya sa flood control projects sa bansa.

“Do not bend the law to please people. Rather, strengthen and enforce it to keep people protected.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Secillano.

Ayon sa Pari, bagamat para sa isang senador ay maariing hindi kabilang ang ‘restitution’ o pagsasauli ng pera ng bayan sa legal na kondisyon ng pagpapasya kung sino ang maaring maging state witness, ay hindi naman ito dapat na maging batayan upang basta na lamang isantabi ang pagkakasangkot ng mga akusado lalo na ang mag-asawang Discaya sa katiwaliang naganap sa kaban ng bayan.

Paliwang ni Fr. Secillano, sa kabila ng pangangailangan para sa testimonya ng mga Discaya ay hindi naman ito ganap at higit na mahalaga kumpara sa iba pang testimonya ng iba pang mga salarin na sangkot sa katiwalian sa flood control projects na mas direkta at may kaukulang mga material na ebidensya tulad ng mga dokumento, larawan, text messages at mga partikular na lugar.

“To another Senator, Restitution may not be a legal condition for deciding who should be a state witness, but the Discaya’s involvement in this corrupt scheme doesn’t point to them as the least guilty. Even if there may be a necessity for the testimony of the Discayas in this corruption issue, it may not be an ABSOLUTE NECESSITY since the testimonies of the other culprits involved have so far been direct and have been corroborated by material evidences like documents, photos, text messages and places.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Pagbabahagi ng Pari, bagamat mahalaga ang testimonya ng mga Discaya partikular na ang listahan ng iba pang sangkot sa katiwalian sa flood control projects sa pamahalaan ay maari naman itong masuri at makumpirma sa pamamagitan ng pagkumpra ng kanilang testimonya sa mga pampublikong dokumento at datos gaya ng General Appropriations Act (GAA) at pagpapatawag sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensya gaya ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH na sina Alcantara, Hernandez, Mendoza at iba pa.

“While we may agree that the Discayas testimony may offer an expansive list of their cohorts, this possibility can easily be checked by looking at the contractors’ projects and validating them with figures in the GAA and by summoning local DPWH officials where these projects are and investigate them much like what they’re doing to Alcantara, Hernandez, Mendoza and others.” Ayon pa kay Fr. Secillano.

Nagpapatuloy ang isinasagawang pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects sa bansa kung saan ilang mga opisyal na sa Kongreso at Senado ang una ng pinangalanan at isinangkot ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH sa sistema ng katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 7,427 total reads

 7,427 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 95,163 total reads

 95,163 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 141,904 total reads

 141,904 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 189,775 total reads

 189,775 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 293,518 total reads

 293,518 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top