Dioceses sa Bicol Region, magsasagawa ng 2nd collection para sa biktima ng bagyo sa Diocese ng Masbate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,698 total views

Muling nagkaisa ang mga diyosesis sa Bicol Region upang matulungan ang mga labis na apektadong pamayanan sa Masbate matapos manalasa ang Bagyong Opong.

Iaalay ng mga Diyosesis ng Legazpi, Sorsogon, Daet, at Virac ang second collection sa mga Misa para sa ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon simula Anticipated Mass ng Sabado ng gabi, September 27, 2025, at sa lahat ng Misa bukas, Linggo, September 28, 2025.

Sa inilabas na panawagan ng Diyosesis ng Legazpi, ang second collection na nakatakda para sa programa ng diyosesis na Tanganing an Dukha Atamanon (TADA), ay ilalaan para sa pagtulong para sa mga nasalanta ng kalamidad sa Diyosesis ng Masbate.

“Through our united generosity, we can offer support and hope to our brothers and sisters in need. Dios Mabalos po,” pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Umapela rin ng suporta ang Diyosesis ng Sorsogon at hinikayat ang mga mananampalataya, mga relihiyosong grupo, at mga parokya na magpaabot ng tulong.

Ibinahagi ng Caritas Sorsogon ang listahan ng pangangailangan tulad ng pagkain, inuming tubig, shelter materials, hygiene kits, medical suplies, damit, at saping pampaa.

Tumatanggap ang diyosesis ng anumang tulong cash o in-kind donations, o pagiging volunteer, sa mga drop-off points sa iba’t ibang parokya sa lalawigan, kabilang ang Sorsogon Cathedral at mga parokya sa Gubat, Irosin, Bulan, at Pilar.

Binuksan din ng Caritas Sorsogon, na pinamumunuan ni Fr. Ruel Lasay, ang command center sa Our Lady of Peñafrancia Seminary Auditorium.

“Masbateños need us now—let us extend our support after Typhoon Opong,” ayon sa Caritas Sorsogon.

Kasabay naman ng patuloy na pananalangin, ipinag-utos din ni Daet Bishop Herman Abcede sa lahat ng parokya at quasi-parishes ng diyosesis ang pag-aalay ng second collection para sa mga biktima ng bagyo sa Masbate.

Tiniyak ni Bishop Abcede na ang malilikom na tulong ay maipapadala sa Diyosesis ng Masbate para sa recovery and rebuilding efforts.

“Let us continue to pray for our brothers and sisters in Masbate, that the Lord may strengthen them during this time of trial and grant them hope as they rebuild their lives. As we do this, we also extend help to alleviate their suffering,” ayon kay Bishop Abcede.

Samantala, magsasagawa rin ng second collection ang Diyosesis ng Virac, habang naglunsad din ng donation drive ang Arkidiyosesis ng Caceres sa pamamagitan ng Caritas Caceres.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 47,017 total views

 47,017 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 80,099 total views

 80,099 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,450 total views

 108,450 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 176,182 total views

 176,182 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 196,057 total views

 196,057 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top