4K indibidwal, kinakalinga ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,175 total reads

Umabot sa mahigit 4,000 indibidwal ang pansamantalang kinalinga ng mga parokya at simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Caceres matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong.

Batay sa datos ng arkidiyosesis, nasa kabuuang 939 pamilya o 4,180 indibidwal ang nanuluyan sa 18 parokya at institusyon na nagsilbing evacuation centers sa iba’t ibang bayan ng Camarines Sur.

Kabilang sa may pinakamaraming evacuees ang St. Francis of Assisi Parish sa Buhi na umabot sa 134 pamilya o 501 indibidwal, Our Lady of the Assumption Parish sa Canaman na may 104 pamilya o 445 indibidwal, at Holy Rosary Major Seminary sa Naga City na tumanggap ng 57 pamilya o 309 indibidwal.

Ayon kay Caritas-Caceres executive director, Fr. Marc Real, maagang naghanda ang arkidiyosesis matapos ang paunang abiso na daraanan ng Bagyong Opong ang Camarines Sur.

“Two days ago, ang forecast ay tatamaan kami [Camarines Sur], kaya grabe ang paghahanda. Marami ang evacuees sa parishes na nag-seek ng temporary shelter,” pagbabahagi ni Fr. Real sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Real, nagbago ang direksyon ng bagyo at dumaan sa katimugang bahagi ng Bicol Region kaya hindi gaanong naapektuhan ang lalawigan.

Dahil dito, nagsimula nang magsiuwian ang ilang evacuees, bagamat nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Caritas Caceres lalo sa Rinconada district na mas malapit sa diameter ng bagyo.

Nagpasalamat naman ang Archdiocese of Caceres sa lahat ng pari, volunteers, at mananampalatayang nagpakita ng malasakit at bukas-palad na pagtulong sa mga nasalanta.

“Let us continue to pray for everyone’s safety and for the swift recovery of our communities,” ayon sa arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 22,021 total reads

 22,021 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 127,665 total reads

 127,665 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 213,775 total reads

 213,775 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 283,906 total reads

 283,906 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 316,502 total reads

 316,502 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,101 total reads

 162,101 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top