Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,895 total views

Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi.

Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang donation drop boxes.

“Ikinalulungkot po naming ibalita na kagabi, ang ating simbahan ay nilooban at napagnakawan. Ang mga donation drop boxes ay kinuha sa kinalalagyan nito, sapilitang binuksan at kinuha ang laman nitong mga love offering envelopes/contributions. Ito po ay natuklasan kaninang umaga sa pagbubukas ng simbahan,” ayon sa opisyal na pahayag ng OLMMP.

Agaran naman itong iniulat ng parokya sa Barangay Marilag at sa Quezon City Police Station 8 kung saan patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Tiniyak naman ng pamunuan na agad na ipaaalam sa publiko ang magiging resulta ng imbestigasyon ng mga kinauukulan para na rin sa kaalaman at kaligtasan ng lahat mula sa mga mapagsamantala.

“Pinaaalalahanan ang lahat na maging alerto at dagdagan ang pag-iingat laban sa mga mapagsamantala at mga akyat-bahay na kumakalat sa ating pamayanan,” ayon sa pahayag.

Umaasa naman ang parokya sa pamamagitan at panalangin ng Mahal na Birhen Medalya Milagrosa upang mailayo ang lahat sa anumang kapahamakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 17,890 total views

 17,890 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,241 total views

 46,241 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 113,971 total views

 113,971 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,122 total views

 137,122 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 206,012 total views

 206,012 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top