Obispo, nakiiisa sa World Tourism day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,304 total reads

Nakiisa si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa buong mundo sa paggunita ngayong araw ng September 27 bilang World Tourism Day.

Ayon sa Obispo, ang pakikiisa ay dahil napakahalaga ng turismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas at gayundin sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga manggagawa o negosyanteng Pilipino na nasa sector ng turismo.

Nagagalak din na ibinahagi ni Bishop Pabillo na kabilang ang Palawan sa isa sa mga top tourist destination ng Pilipinas dahil sa magagandang anyong tubig at lupa na maaring bisitahin sa El Nido, Coron at San Vicente Palawan.

“Mayroon po tayong World Tourism Day, September 27 lalong-lalo na po sa amin sa Palawan na marami pong mga turistang dumadating sa amin, ito po ay isang biyaya din sa maraming mga pamilya na nakikinabang sa turismo higit na mayroong kaming El Nido, mayroon kaming Coron, mayroong kaming Coron at San Vicente na pinupuntahan ng mga turista,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo

Gayunpaman, ipinaalala ni Bishop Pabillo sa mamamayan at pamahalaan na panatilihing ligtas ang mga manggagawa sa turismo mula sa kapamahakan at anumang uri ng sakit.

Giit ng Obispo, bagamat maraming mabubuting epekto ng turismo sa kabuhayan ng mga mamamayan ay nararapat na magkaroon ng mga hakbang na titiyakin ligtas ang bawat isa mula sa anumang banta sa kalusugan na maaring dala ng mga turista katulad ng COVID-19, MPOX Virus, HIV Infection at iba pang sakit.

Umaasa ang Obispo na maging mapagmatyag din ang pamahalaan upang maiwasan ang mga kaso ng human trafficking at white slavery at iba pang ilegal na gawain na banta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipino.

Panalangin din ni Bishop Pabillo ang kaligtasan ng mga manggagawa sa turismo higit na ng mga kababaihan at kabataan mula sa anumang kapahamakan.

“At ganun din po ang mga kaugalian ng mga banyaga na maaring hindi maganda para sa ating mga Pilipino at sa ating mga kristiyano, kaya habang nagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga turistang dumadating ay maging maingat din tayo na hindi mapasama ang kalagayan ng ating mga tao lalung-lalu ng ating mga kabataan at ating mga kababaihan sa mga masasamang maaring impluwensya ng turismo sa atin,” bahagi pa sa panayam ni Bishop Pabillo.

Ngayong taon, ginugunita ng United Nations Tourism Organization (UNTO) ang World Tourism Day sa temang ‘Tourism and Peace’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,816 total reads

 41,816 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,182 total reads

 127,182 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,919 total reads

 173,919 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,791 total reads

 221,791 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,823 total reads

 323,823 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top