Pag-aresto ng PNP kay Castro, ikinabahala ng St. Scholastica College

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,071 total reads

Ikinabahala ng academic community ng St. Scholastica’s College, Manila at ang Manila community ng Benedictine Sisters ang insidente kaugnay kay Dr. Natividad Castro na sapilitang inaresto ng San Juan City Police sa kanyang tahanan noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa inilabas na pahayag ng institusyon, lubhang nakakagulat na akusahan si Castro, isang community health at human rights advocate, ng kidnapping at illegal detention gayong maganda naman ang layunin nitong tumulong at ipagtanggol ang karapatang-pantao.

“It is unjust that…one who has committed her life to give life to others, is now deprived of her right to life, a life that she has lived witnessing to Christ’s love and compassion,” ayon sa pahayag.

Giit ng institusyon na sa halip na akusahan ng pagiging kriminal, mas karapat-dapat na kilalanin at pahalagahan ng pamahalaan ang pag-aalay ng sarili ni Castro sa pagkalinga at pagtataguyod sa karapatan ng bawat Filipino lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Mariin ding kinukundena ng St. Scholastica’s College ang patuloy na red-tagging ng pamahalaan at paglikha ng mga maling paratang sa mga inosenteng indibidwal.

“We demand that there be an immediate hearing of the case of Dr. Naty. We ask the Commission on Human Rights to show the falsity of the accusations against her and expedite her release,” ayon sa pahayag.

Si Castro o mas kilala bilang Dr. Naty ay isa sa mga alumni ng St. Scholastica’s College at nagtapos bilang Valedictorian sa highschool noong 1986.

Taong 2006 naman ng kinilala ito bilang isa sa 100 Outstanding Scholastican alumnae na ginawaran ng Centennial Award ng St. Scholastica’s Alumnae Foundation, Inc. dahil sa kanyang hindi matatawarang pagmamalaskit at pagtulong lalo na sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda at mga katutubong Lumad sa Caraga Region sa Mindanao.

Samantala, dalangin naman ng institusyon ang kaligtasan ni Castro, gayundin ang panawagan ng pagkakaisa upang suportahan at matiyak ang agaran nitong paglaya laban sa kamay ng mga militar.

Ang ‘Statement of Concern’ ay nilagdaan nina Sr. Mary Christine Pinto, OSB, pangulo ng St. Scholastica’s College; at Sr. Mary John Mananzan, OSB, Superior ng Manila Community of Benedictine Sisters.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 661 total reads

 661 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,921 total reads

 7,921 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,200 total reads

 22,200 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 62,761 total reads

 62,761 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 89,628 total reads

 89,628 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 137,893 total reads

 137,893 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 158,966 total reads

 158,966 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,842 total reads

 128,842 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top