286 total views

Isa sa mga sukdulang nagpalungkot sa ating bayan ngayong Pasko ay ang paghagupit ng Bagyong Odette sa ating bansa. Matapos nito, ang impormasyong salat na ang budget ng bansa para sa pagbangon ng marami nating mga kababayan ay isa ring nakakapanlumong realidad na tumambad sa atin, sabay sa mga pinsalang dala ng bagyo.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, napakadaling mawalan ng pag-asa, kahit na pasko pa. Napapaligiran man tayo ng pagkaluray, hindi tayo dapat mawalan ng loob. Ito ang panahon upang magkapit-kamay, tumayo, at bumangon muli. Ito ay panahon ng pagbubukas ng ating mga mata at ng pagsabi na hindi na dapat tayo magkanda-kumahog at mataranta pa sa harap ng sakuna. Ito ay panahon upang matutunan na natin, once and for all, kung ano ang ating tamang gawin, para sa kapakanan ng buong bayan, lalo na ng mga nasalanta.

Mahigit pa sa 1.8 milyong pamilya ang apektado ng bagyo kapanalig, at marami sa kanila, namumulubi na pagkatapos ng sakuna. Alam na natin ang pangunahing pangangailangan nila, at marami sa atin ang nagpadala na ng  tulong sa ilang mga lugar. Kaya lang kapanalig, huwag sana humupa ang pagtulong na ito. Sa ngayon, marami pang lugar ang hindi pa naabot ng ating kawanggawa. Marami pang lugar ang nasa dilim at karukhaan, nangangailangan ng pang-unang ayuda upang makatayo muli.

Huwag nating isipin na ang ating maliit na tulong ay laging bitin, o hindi mapapawi ang uhaw, gutom, o pighati ng mga mamamayang nawalan ng gamit, bahay, o pamilya. Kalakip ng ating ambag, gaano man kalaki o kaliit nito, ay ang ating mensahe ng pakikiisa o message of solidarity.

Ang Justicia in Mundo ay may paalala sa atin ukol sa kahalagahan ng pag-aaruga sa ating kapwa. Ayon dito: Our relationship to our neighbor is bound up with our relationship to God; our response to the love of God, saving us through Christ, is shown to be effective in his love and service of people. Christian love of neighbor and justice cannot be separated.

Tayong may mga kakayahan ngayon ay maaring magtanglaw ng liwanag sa ating mga kababayan na naghahanap ng aninag ng pag-asa ngayong kapaskuhan. Ito ay panlipunang katarungan. Ito ay kabutihang pangbalana. Bigyan natin ng pag-asa ang ating mga kababayan ngayong pasko.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,408 total views

 4,408 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,380 total views

 23,380 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,045 total views

 56,045 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,159 total views

 61,159 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,231 total views

 103,231 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,410 total views

 4,410 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,382 total views

 23,382 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,047 total views

 56,047 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,161 total views

 61,161 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,233 total views

 103,233 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 114,886 total views

 114,886 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 116,815 total views

 116,815 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 125,924 total views

 125,924 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 110,088 total views

 110,088 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 129,193 total views

 129,193 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »
Scroll to Top