Pag-ibig ni Maria, tanglaw ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Sumentro sa pagkilala kay Maria bilang Ina ng sangkatauhan ang ikalimang taon ng Patron of the Arts Musicial: An Evening with the Cardinal na ginanap sa Meralco Theater.

Sa ilalim ng temang Maria The Most Beautiful Sound, dinaluhan ng libu-libong mananampalayata, pari, madre at mga seminarista ang taunang konsiyerto na pinangunahan ng Arkidiyosesis ng Maynila katuwang ang Jesuit Communications (JesCom) Foundation Inc.

Sa kanyang mensahe, inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang pagsasabuhay ng pag-ibig na unang ipinamalas ni Maria ang tanging magiging tanglaw upang matamo ang kapayapaan sa isang lipunan na nababalot ng kadiliman, tukso at hindi pagkakaintindihan.

“We must find our way back to what is simple and true, that justice and peace can only achieve their fullest version in our society and in our world when we inform our actions with love… Our beloved Mother Mary has shown us that when we choose to love, when we choose charity, when we choose mercy we are made into the instruments of our Lord and we are able to wield his power here on Earth,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala bilang pagbibigay-pugay sa kadakilaan ng mga ina, kinilala bilang 2017 Patron of the Arts Awardee ang batikang direktor na si Laurice Guillen dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa mundo ng paggawa ng pelikula na nakasentro sa pagmamahal ng Diyos sa tao.

Ayon kay Guillen, si Maria ang kanyang naging inspirasyon sa bawat obra na kanyang ginagawa na tunay na daan patungo sa kaharian ng Diyos mula sa mundong maraming nagpapanggap na diyos-diyosan.

“Magtiwala kay Mama Mary at maging bukas ang loob sa mga pagkakataon na binibigay N’ya sa atin na makatulong sa iba, magmahal ng kapwa tulad ng pagmamahal niya kay Hesus. When I say na maging bukas sa mga pagkakataon, I never really aggressively went out of my way to accomplish things or prove my devotion, or prove my love with God. It’s really just nagtitiwala lang talaga ako dahil nakatalaga ang buhay ko sa Kanya. Siya na ang gagawa ng pagkakataon at ang kasagutan lang mula sa akin is to say yes,” ani Guillen

Tampok sa selebrasyon ang mga tanyag na performers sa larangan ng pag-awit tulad ni Noel Cabangon, Frenchie Dy, Menchu Lauchengco-Yulo at Poppert Bernadas kung saan ang pondong malilikom ay susuporta sa Mother-in-Crisis, isang organisasyon na tumutulong sa mga inang nagdurusa mula sa kahirapan.

Naging hudyat naman ng pagtatapos ng konsiyerto ang ‘You’ll Be in My Heart’ at ‘When You Believe’ song number ni Cardinal Tagle kasama si JesCom Executive Director Fr. Nono Alfonso at mga tauhan ng dula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,312 total views

 51,312 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,181 total views

 47,181 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,383 total views

 83,383 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,982 total views

 91,982 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,968 total views

 116,968 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,513 total views

 80,513 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,802 total views

 270,802 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top