Pagbabago sa liderato ng mga parokya sa Archdiocese of Manila, ipapatupad sa Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 920 total reads

Nagpatupad ng pagbabago ang Archdiocese of Manila sa assignment ng mahigit 200 mga pari ng arkidiyosesis.

Sa bisa ng kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ipinatupad ang reshuffling ng mga pari sa 93 mga parokya kasama ang ilang chaplaincies na sakop ng arkidiyosesis.

Kabilang sa itinalaga ng cardinal si Msgr. Rolando Dela Cruz bilang bagong rector ng Manila Cathedral kahalili ni Fr. Reginald Malicdem na itinalagang chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station ng Landmark at SM Chapels sa Makati City.

Nanatili si Msgr. Clemente Ignacio bilang Vicar General at Moderator Curiae ng arkidiyosesis habang nauna nang itinalaga si Fr. Isidro Marinay bilang Chancellor.

Pamumunuan ni Fr. Jerome Secillano ang Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine katuwang si Fr. Matthieu Dauchez.

Naunang itinalaga ni Cardinal Advincula si Fr. Rufino Sescon bilang Rector at Parish Priest sa Minor Basilica of the Black Nazarene kahalili ni Msgr. Hernando Coronel na kasalukuyang nasa misyon sa Yukon Canada.

Samantala mananatili si Fr. Roy Bellen sa media arm ng arkidiyosesis ang Archdiocese of Manila Office on Communication, TV Maria at Radio Veritas 846 kasabay ng pagkakatalagang Team Ministry member ng National Shrine and Parish of the Sacred Heart sa Makati City.

Mananatili rin si Fr. Anton Pascual sa Caritas Manila ang social arm ng arkidiyosesis at sa Radio Veritas.

Matatandaang naantala ang reshuffling ng Manila clergy makaraang italaga ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Dicastery for Evangelization sa Vatican noong 2019.

Inaasahang sa Nobyembre magsisimula ang pagbabago ng liderato ng mga parokya sa buong arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,664 total reads

 24,664 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,895 total reads

 61,895 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,106 total reads

 80,106 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,434 total reads

 164,434 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,665 total reads

 200,665 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,371 total reads

 3,371 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top