VeritasPH

The Word, The Truth

Pagbabakuna sa mga bulilit

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Mga Kapanalig, nagsimula na noong isang linggo ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11. Dapat sana ay nagsimula ito noong ika-4 pa ng Pebrero ngunit kailangang ipagpaliban dahil hindi agad dumating sa bansa ang mga bakunang maaaring gamitin sa mga bata. Ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ay sinimulan sa anim na lugar sa Metro Manila at ilang lugar sa Central Luzon at Southern Luzon; nauna nang binakunahan ang mga batang edad 12 hanggang 17 taong gulang noong Oktubre ng nakaraang taon. Inuna ang mga batang may comorbidities o mga may medikal na kondisyong maaaring gawing mas lantad sila sa virus.

Ayon sa Department of Health (o DOH), na noon ay sinabing nakabatay ang kanilang plano sa pagbabakuna sa mga bata sa dami ng bakunang darating sa ating bansa, tinatayang babakunahan ang higit 15 milyong mga batang edad 5 hanggang 11. Dagdag pa ni vaccine czar Carlito Galvez, tinitiyak ng pamahalaan sa mga magulang na ligtas at pinag-aralang mabuti ang pagbabakuna sa mga bata. Matatandaang may pagdududa ang mga magulang kung epektibo at ligtas nga ba ang bakuna dahil sa kontrobersyang bumalot sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Mahalagang hakbang ang pagbabakuna sa mga bata para sa tuluyang pagpapalawig ng pagbabakuna laban Covid-19 sa ating bansa at sa pagbibigay-proteksyon sa kanila lalo na ngayong plano nang buksan muli ang mga eskuwelahan. Mahalaga rin ito dahil ayon sa DOH, mahigit kalahati ng mga kaso ng mga batang tinamaan ng Covid-19 noong Setyembre 2021 ay 11 taong gulang pababa. Lalo pa itong umakyat sa halos 70% nitong Enero noong kasagsagan ng pag-akyat ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa Omicron variant.

Kaakibat ng pagbabakuna sa mga bata ang pagbibigay ng sapat at tamang impormasyon sa mga magulang. Halimbawa, ang dosage at concentration ng bakuna ay mas mababa para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang kumpara sa mga mas matatandang bata. Maaaring makampante ang mga magulang kung malalaman nila ito. Dapat ding maipaliwanag sa kanila ang halaga ng mga bakuna at ang mga maaaring asahang side effects nito sa mga bata upang makapagbigay sila ng tinatawag na informed consent. Hindi dapat alisan ng karapatan ang mga magulang na bigyang-proteksyon ang kanilang mga anak, kabilang ang pagbibigay ng kanilang pahintulot para sa isang bagay na buhay at kalusugan ng kanilang mga anak ang nakataya. Bago kasi magsimula ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang, naging usapin ang isyu ng consent o pagbibigay-pahintulot ng mga magulang. Isang petisyon ang inihain ng ilang magulang sa Quezon City Regional Trial Court upang pahintuin ang pagbabakuna sa mga bata dahil sa kanilang “right to consent… in behalf of their children.” Mariin nilang tinututulan ang naunang memorandum ng DOH na nagssabing sakaling tumanggi ang mga magulang na ibigay ang kanilang pahintulot na bakunahan ang kanilang anak, maaaring magbigay ng consent ang gobyerno bilang panghalili rito. Binago ng DOH ang patakarang ito at nilinaw din ng pamahalaan na “absolute requirement” ang consent mula sa mga magulang upang mabakunahan ang kanilang mga anak.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Francis, mayroon tayong kasaysayan ng magandang karanasan sa mga bakuna, kaya’t ituring nating kakampi ang mga ito. Ngunit dapat ding mapanatag ang mga magulang. Sabi nga sa 3 Juan 1:4, “Walang higit na makakapagpaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.” Makakamit ito sa tulong ng wastong impormasyon tungkol sa mga bakuna at kung titiyakin sa kanila ng pamahalaang ibayong pag-iingat ang ginawa nito sa pagpapatupad ng vaccination program para sa mga bata.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,844 total views

 1,844 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,830 total views

 17,830 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,875 total views

 25,875 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,955 total views

 30,955 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,661 total views

 36,661 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,845 total views

 1,845 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,831 total views

 17,831 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,876 total views

 25,876 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 30,956 total views

 30,956 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,662 total views

 36,662 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,214 total views

 44,214 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,139 total views

 41,139 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,453 total views

 55,453 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,143 total views

 59,143 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,746 total views

 57,746 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,733 total views

 67,733 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,701 total views

 71,701 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,588 total views

 82,588 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,027 total views

 95,027 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,785 total views

 105,785 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top