Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabalik bayan ni Veloso, ikinatuwa ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

 10,785 total views

Pagbabalik bayan ni Veloso, ikinatuwa ng CBCP-ECMI

Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker na nahatulan ng kamatayan noong 2010 sa Indonesia dahil sa kaso ng Drug Trafficking.

Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, tunay na nakakagalak ang desisyon ng Indonesia at ni Indonesian President Prabowo Subianto na pauwiin ng Pilipinas si Veloso matapos ang 14-taong pagkakakulong.

“Today, we celebrate a moment of immense joy and relief as President Ferdinand Marcos
Jr. has confirmed that after 14 long years of imprisonment, Mary Jane Veloso will finally be transferred back home to the Philippines. This news brings hope and happiness to her family and all those who have tirelessly advocated for her release,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Pagpapakita din ito ayon pa sa Obispo ng kapangyarihan ng pananampalataya at pananalig ng sambayanang Pilipino upang mapanatiling ligtas si Veloso mula sa death row dahil sa drug trafficking.

Simbolo din ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta ng sambayanan ay natutupad ang mga panalangin at himala, at upang iparating kay Veloso o sa kaniyang Pamilya na naiwang nangagnamba sa Pilipinas ang pakikiisa ng sambayanan at ng simbahan.

“Mary Jane’s journey is a testament to the answered prayers of many. It is where the power of faith, perseverance, and the unwavering support of a united community prevailed,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

November 20 ng ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makakauwi na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos ang 14-taon pagkakakulong kung saan simula po noong 2010 idinaos ang mga pakikipag-ugnayan o dayalogo ng pamahalan ng Pilipinas sa Indonesia.

Ang desisyon ng Indonesia ay ilang araw lamang ang makalipas matapos ihayag ng pamahalaan na pinag-aaralan na ng Indonesiya ang posibilidad ng paglilipat kay Veloso sa mga kulungan ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 19,606 total views

 19,606 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 31,917 total views

 31,917 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 43,177 total views

 43,177 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 53,294 total views

 53,294 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Pera ng taumbayan para sa taumbayan

 63,725 total views

 63,725 total views Mga Kapanalig, pumasá na sa third and final reading ang House Bill No. 4058 o ang bersyon ng House of Representatives ng 2026

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Mati, umaapela ng tulong

 24,197 total views

 24,197 total views Umaapela ng tulong ang Diocese of Mati Social Action Center para sa mga mamamayang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao

Read More »
Scroll to Top