265 total views
Pinanguhan ni Bishop Jose Oliveros ang Episcopal Coronation ng National Pilgrim Image of Our Lady of Fatima sa Parish of the National shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela City kasabay ng ika-100 taon ng Aparisyon ng Fatima.
Ayon kay Bishop Oliveros, ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen ay bilang paalala sa bawat mananampalataya ng ating pangako sa Mahal na Ina 100 taon na ang nakalilipas nang magpakita ito sa mga pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta sa Portugal.
Sina Francisco at Jacinta naman ay idinekalarang mga bagong Santo at Santa ng simbahang katolika kasabay ng sentenaryo ng aparisyon.
Sinabi ng Obispo, nawa ay ipagpatuloy ng bawat isa ang hiling ng Mahal na Ina na pagbabalik loob, pagpapatawad at pagdarasal ng Rosaryo para sa kapayapaan.
“…with this coronation of Our Lady of Fatima, we are asked to fulfill the promise and be reminded for conversion, reparation and to pray the rosary,” ayon kay Bishop Oliveros.
Kasama rin sa pagdiriwang sina Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez at Msgr. Bartolome Santos rector ng National Shrine of Our Lady of Fatima kasama ang mga pari ng Diocese Malolos.
Ang Pilipinas ay kilala bilang ‘Pueblo Amante de Maria’ o Bayang Sumisinta kay Maria kung saan mula sa 21 pambansang dambana, may 10 dambana ang nakatalaga sa ilalim ng pangangalaga ng Birheng Maria.
Umaasa ang mamamayan ng Valenzuela City na magiging pinakamayapang lungsod sa Metro Manila sa ilalim ng pangangalaga ng Birhen ng Fatima.
Ayon kay Msgr. Santos, ang imaheng nakaluklok sa dambana ay ang imaheng dinala sa Edsa People I noong 1986 kung saan natamo ng bansa ang payapang rebolusyon na kinikilala sa buong mundo.
Taong 1917 nang maganap ang Aparisyon ng Mahal na Ina simula Mayo hanggang Oktubre kung saan hiniling nito sa mga batang pastol na si Lucia at mga bagong Santo na sina Francisco at Jacinta na ipalaganap ang pagdarasal at pagbabalik loob.
Ang panahong ito ay kasagsagan ng pandaigdigang digmaan kasunod na rin pagtatalaga sa Russia noong 1952 sa ilalim ng pangangalaga ng Mahal na Birhen.
Read:
Kapayapaan ng buong mundo, mensahe ng Aparisyon ng Fatima