Lakbay-Buhay mass laban sa ‘death penalty’ , idaraos sa UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA/Caritas Philippines) sa publiko na makiisa sa isasagawang pagtitipon sa University of Santo Tomas laban sa pagbabalik ng ‘death penalty’.

Ayon kay Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Father Edu Gariguez, mahalagang makiisa ang sambayanan sa pagtitipon sa UST na bahagi ng ’21-day Lakbay-Buhay march caravan’ laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan na pangungunahan ng mga Obispo ng Simbahang Katolika.

Isang misa rin ang isasagawa para sa pagtitipon na layung tutulan na maibalik ang parusang bitay sa bansa.

Umaasa rin si Fr. Gariguez na magiging buo ang paninindigan ng bawat Katoliko sa pagtataguyod ng kasagraduhan ng buhay.

“… napakalaking pagtitipon sa UST, ito po ay gagawin sa 21 Linggo po ito, dun nalang din po kayo magsimba dahil nanduroon po ang ating mga Obispo sa ngayon po ay si Bishop Pabillo pero iniimbitahan din natin si Cardinal Tagle at ang ating Arsobispo ng CBCP si Archbishop Soc kung sila ay may panahon, at libre kung wala pang mga appointment na sumama doon at ang atin ding mga sambayanan mga Kapanalig, sa lahat ng mga parokya lalo’t higit dito sa Maynila na magsama-sama laban sa Death Penalty…” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Gariguez.

Dagdag pa ng pari, napapanahon na upang magkaisa ang mamamayan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan na walang basehan sa pagpapababa ng kriminalidad sa lipunan.

Nagsimula ang Lakbay-Buhay noong ika–4 ng Mayo sa Cagayan De Oro, na naglalayong pigilan ang pagpasa ng isinusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa Senado.

Pinangungunahan ng 15- Lakbayistas ang Lakbay-Buhay Pilgrimage na layung himukin ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga bayan, probinsya at lalawigan na madaraanan na suportahan ang adbokasiya para sa paninindigan sa buhay laban sa isinusulong na Death Penalty Bill sa Mataas na Kapulungan na una nang nakapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Read:
21 araw na Lakbay-Buhay pilgrimage, suportado ng multi-sectoral group

Lakbay Buhay: pagmumulat, pagbibigkis sa mga Filipino laban sa death penalty

No to Death penalty-Bishop Bastes

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,022 total reads

 61,022 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,519 total reads

 147,519 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,555 total reads

 190,555 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,314 total reads

 240,314 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,566 total reads

 398,566 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top