Mahinang political party system, dahilan ng pagkakapanalo ng mga popular sa halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,827 total views

Naniniwala si political analyst Prof. Edmund Tayao na hindi lamang kakulangan sa kaalaman ng mga botante ang dahilan kung bakit madalas na nauuwi sa popularidad ang pagpili ng mga kandidato sa halalan.
Sa panayam sa Veritas Pilipinas, sinabi ni Tayao-President and CEO ng Political Economic Elemental Researchers and Strategist, malaking salik ang umiiral na sistema ng pulitika sa bansa, kung saan mahina ang mga political party at mas nakasentro ang halalan sa personalidad ng mga kandidato kaysa sa malinaw na plataporma at programa.
“Pero ako kasi, hindi ako naniniwala sa… simple lang eh. Ang aking reference palagi yung tinatawag na operant conditioning. So ibig sabihin, kapagka ano yung nakikita ng tao, yun ang gagawin niya,” ayon kay Tayao na isa ring lecturer ng San Beda School of Law.

Dagdag pa ng eksperto, “Sa totoo lang, hindi natin binigyan ng pansin ito. Yun lang ating batas ng eleksyon, itong Omnibus Election Code, 1942 legislation pa po ito. Nirepaso ito ng 1985, can just imagine, two years before the 1987 Constitution. And since then, hindi na ito ulit tiningnan. At dinagdagito ko kasi pagtingnan po ninyo yung batas, pagtingnan mo yung definition ng political party, napakapayat ng definition ng political party. It’s just an aggregation of people running for office. In other words, it’s just an election vehicle.”

Ipinaliwanag niya na sa maraming bansa, ang mga political party ang nagsisilbing gabay sa mga botante dahil sila ang nagtataguyod ng mga polisiya at naghahanda ng mga lider.

Dahil dito, mas nagiging mahalaga ang pagkilala ng publiko sa isang kandidato, kabilang ang kasikatan, pangalan, o imahe sa publiko, kaysa sa kanyang kakayahan at karanasan sa pamamahala.

Gayunman, sinabi ni Tayao na hindi dapat maliitin ang mga botante dahil may mga senyales na nagbabago ang kanilang pagpili sa paglipas ng panahon.

‘Ako I remain optimistic because if we remember what happened in the last midterm election, we weren’t expecting that that will be the result. “

Aniya, kung susuriin ang kasaysayan ng halalan matapos ang 1987 Constitution, makikitang nagbabago rin ang mga kandidatong nagwawagi—mula sa mga propesyonal at personalidad na sumikat matapos ang EDSA Revolution, patungo sa mga artista, dating opisyal ng militar, at mga negosyante.

Ipinapakita rin aniya nito na may kakayahan ang mga botante na magbago ng pananaw depende sa kalagayan at pangangailangan ng bansa.

Binigyang-diin din ni Tayao na mahalagang palakasin ang sistema ng pamahalaan at mga institusyon upang magkaroon ng mas makabuluhang pagpili ang mga mamamayan.

Ayon sa kanya, hangga’t nananatiling mahina ang political party system sa bansa, mananatiling nakatuon ang halalan sa personalidad kaysa sa mga polisiya at pangmatagalang solusyon.

“Kaya ko po binabanggit lahat ng ito kasi at the end of the day, until we change the system of government, we will tend to be voting the same people over and over again,” ayon pa kay Tayao.

Gayunman, umaasa siyang makikita ang panibagong pagbabago sa ugali ng mga botante sa mga susunod na halalan, kabilang ang 2028 national elections.

Paliwanag pa ni Tayao, “But our team, ourselves, hindi lang namin pinapublicize, we are also keeping tab of how things are on the ground. But there are critical changes that are happening. Pero siguro hintayin natin hanggang towards the end of the year, and then we can already see some pattern. As it is right now, I’m inclined to think, eh masyadong maaga yung mga survey na yan, kasi sa totoo lang, ang sinusundan natin itong deklarasyon ng pangalawang Pangulo na tatakbo bilang Pangulo.”

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,624 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 24,201 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 50,966 total views

 50,966 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,732 total views

 122,732 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 154,014 total views

 154,014 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 186,030 total views

 186,030 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,600 total views

 335,600 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top