Mamamayan, hinimok na maging volunteer ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,007 total reads

Hinikayat ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Mel Sarmiento ang publiko na makiisa bilang mga volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) upang makatulong sa pagtiyak ng isang mapayapa, malinis, at kapani-paniwalang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Sarmiento ang mahalagang papel ng mga PPCRV volunteers sa pangangalaga sa integridad ng halalan at pagtitiyak na magiging katanggap-tanggap sa mamamayan ang magiging resulta ng botohan.
“Sa PPCRV po, napakahalaga po ng mga volunteers natin. Sinasabi nating credible elections is very important for us to be able to ensure na yung resulta matanggap ng ating mga mamamayan. Kapag credible po ang election, sigurado, yung ating mga mamamayan tatanggapin ang magiging resulta ng eleksyon,” Bahagi ng pahayag ni Sarmiento.

Hinimok din ng kalihim ang mas marami pang mamamayan na maglaan ng panahon upang maging bahagi ng PPCRV at tumulong sa pagbabantay sa halalan upang matiyak na ang mga mahahalal na opisyal ay tunay na napili ng taumbayan.

“Kung pwede ho marami kayong mag-volunteer, tumulong po kayo sa PPCRV para po masiguro natin ang isang eleksyon ay walang duda, na ang pipiliing mga opisyal ay talagang pipiliin ng mga mamamayan sa BARMM,” Dagdag pa ni Sarmiento.

Ayon pa kay Sarmiento, mahalaga ring maturuan ang mga botante na pumili ng mga karapat-dapat na kandidato dahil ang mga ihahalal na miyembro ng Bangsamoro Parliament ay may malaking pananagutan sa pagbuo ng mga polisiya at pagpapatupad ng mga programang magpapabilis sa pag-unlad ng rehiyon.

“Tumulong po tayo sa pag-educate ng ating mga botante na piliin ang nararapat na mga magiging mambabatas… Tulungan niyo po ang PPCRV. Mahalaga po ang isang credible elections,” Ani Sarmiento.

Inaanyayahan naman ng PPCRV ang lahat ng nais maglingkod bilang volunteer na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na parokya upang maging bahagi ng pagbabantay sa kauna-unahang Parliamentary Elections sa BARMM.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang pakikilahok ng bawat mamamayan sa malinis at tapat na halalan ay isang kongkretong pagsasabuhay ng pananagutan sa kabutihang panlahat.

Sa pamamagitan ng PPCRV, patuloy na isinusulong ng Simbahan ang katotohanan, integridad, at pananagutan sa demokratikong proseso upang matiyak na ang tinig ng bawat botante ay mapangangalagaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,587 total reads

 48,587 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,088 total reads

 135,088 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,125 total reads

 178,125 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,884 total reads

 227,884 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,920 total reads

 386,920 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top