Stella Maris Philippines, nakahandang tumulong sa mga biktima ng lumubog na Vietnamese cargo ship sa WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,619 total reads

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang pagbabantay sa napaulat na insidente ng paglubog ng isang Vietnamese cargo ship sa West Philippine Sea.

Ayon sa Stella Maris, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad at ahensiya ng pamahalaan si Stella Maris Chaplain Fr.Eugene Elvira ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa upang matiyak ang mga impormasyon at agad na maipadala ang kinakailangang tulong sa mga naapektuhan ng insidente.

Gayundin ang panawagan ng Stella Maris sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga biktima, gayundin ang mga tauhan ng pamahalaan at iba pang katuwang sa nagpapatuloy na search and rescue operation para sa mga nawawalang tripulante.

“Stella Maris Philippines through our chaplain Fr. Eugene Elvira, SThD of the Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan, Philippines, is closely monitoring the progress report of the incident involving a Vietnamese cargo ship that sank in the West Philippine Sea. Government operation is ongoing to locate the missing crew. Please offer some prayers for the victims and the government personnel and other partners of the search and rescue operation. Our Lady of Peace and Good Voyage, pray for us!,” ayon sa mensaheng binahagi ng Stella Maris Philippines.

Patuloy ang paghahanap search at rescue team ng Philippine Coast Guard sa mga nawawalang tripulante ng barkong ‘Khoi Nguyen 18’ na lumubog malapit sa Kagitingan Reef noong July 25.

Ayon sa PCG, isinasagawa na ng ‘BRP Malapascua’ ang ikaanim na yugto ng search and rescue operations sa kabila ng katamtaman hanggang maalong kondisyon ng dagat, habang nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Vietnamese Coast Guard at iba pang sasakyang-dagat
upang mapalawak ang operasyon.

Ginagamit nadin ngayon ng PCG ang Optimal Planning System upang mapataas ang posibilidad na matagpuan ang mga nawawalang tripulante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 106,494 total reads

 106,494 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 151,166 total reads

 151,166 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 173,370 total reads

 173,370 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 209,860 total reads

 209,860 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 424,328 total reads

 424,328 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top