Ilantad ang tunay na kalagayan ng Pilipinas, hiling ni Bishop Santos kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,652 total reads

Umapela ng katotohanan sa tunay na kalagayan ng Pilipinas si Antipolo Bishop Ruperto Santos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Obispo, ito ay dahil sa kakulangan ng mga impormasyon hinggil sa tunay na kalagayan ng mga naghihirap na Pilipinong naapektuhan ng mga suliranin sa ekonomiya, pamamahala, katiwalian at iba pang problemang bumabalot sa Pilipinas.

Iginiit ni Bishop Santos na maraming mamamayan ang umasa na maririnig sa SONA ang malinaw na tugon sa mga usaping patuloy na bumabagabag sa konsensya ng publiko, kabilang ang mga tanong hinggil sa pananagutan, transparency, at paggalang sa due process.

“Justice is not merely about identifying what may have gone wrong. It is about seeking the truth through fair and impartial investigations, respecting due process, holding accountable those found responsible, and restoring the public’s trust in our institutions. When accountability appears incomplete or absent, confidence in governance is weakened, and cynicism begins to replace hope,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas

Inihayag ng Obispo na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa paglalahad ng mga nagawa kundi sa pagpapakita ng kababaang-loob na harapin ang mahihirap na usapin, akuin ang nararapat na pananagutan, at tiyaking walang sinuman ang nakahihigit sa batas.

Ipinaalala ni Bishop Santos na karapatan ng bawat Pilipino na makamit at itaguyod ang katotohanan, katarungan, at tapat na pamamahala sa pondo ng bayan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin at mga hamong kinakaharap ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, at iba pang sektor ng lipunan.

Nanindigan si Bishop Santos na dapat maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon, kagawaran at kabuoan ng pamahalaan sa pamamagitan ng patas na imbestigasyon, paggalang sa due process, at pagkakaroon ng pananagutan ng sinumang mapatutunayang lumabag sa batas.

Hinikayat naman ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang mga pinuno ng bansa upang manaig ang karunungan, integridad, katapatan, at malasakit sa paglilingkod, kasabay ng panawagang sama-samang itaguyod ang isang bansang pinaghaharian ng katotohanan, katarungan, at paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino.

“Let us continue to pray for our country, for those who govern, and for every public servant, that they may be guided by wisdom, strengthened by integrity, and inspired always to seek what is true, just, and beneficial for all. May we never lose hope. Let us remain vigilant, engaged, and united in building a nation where truth is honored, justice is pursued, and every Filipino is treated with dignity,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,063 total reads

 4,063 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,029 total reads

 42,029 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,867 total reads

 95,867 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,331 total reads

 159,331 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,113 total reads

 227,113 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top