Dati at kasalukuyang state auditors ng COA, ihaharap na testigo sa Senate impeachment court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,453 total reads

Ihaharap ng House prosecution panel sa impeachment court ang kasalukuyan at dating state auditors ng Commission on Audit o COA upang ipaliwanag ang proseso ng pag-audit sa P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte, sa susunod na linggo.
Ayon kay lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, hihingan ng testimonya sina dating COA Intelligence and Confidential Fund Audit Office o ICFAO State Auditor Roderick Wamil at kasalukuyang State Auditor Celine May Del Campo.

“We requested for the issuance of subpoena a testificandum and subpoena duses tecum for our witnesses next week. That will be August 3, August 4, and August 5,” ayon kay Luistro.

Inaasahang ilalahad ng dalawang auditor ang naging proseso ng pagsusuri sa mga dokumento ng Office of the Vice President at Department of Education, gayundin ang mga natuklasan na naging batayan ng mga notice of disallowance na inilabas ng COA.

“So we expect to hear from the witnesses, both the former state auditor In the person of Roderick Wamil and the present state auditor, in the person of Silene May L. Del Campo, ‘yung naging proseso ng audit and whatever findings they were able to arrive at concerning the confidential fund of the OVP and the DepEd respectively,” dagdag pa ng mambabatas.

Bahagi ito ng pagpapatuloy ng paglalahad ng ebidensya ng prosekusyon kaugnay ng Article I ng impeachment complaint na tumatalakay sa sinasabing maling paggamit ng confidential funds.

Nauna nang iniharap sa impeachment court ang testimonya ng dalawang dating LandBank managers tungkol sa pag-encash ng apat na tseke ng OVP na nagkakahalaga ng kabuuang P500 milyon at tatlong tseke naman ng DepEd na umabot sa P112.5 milyon.

Sa susunod na mga pagdinig, inaasahang tututukan naman ng prosekusyon ang audit trail ng pondo at ang mga naging resulta ng pagsusuri ng COA.

Kasama rin sa ipapatawag ang isang opisyal mula sa House of Representatives Legislative Information Resources Management Department upang kilalanin ang mga dokumentong mula sa Kamara na gagamitin bilang ebidensya.

Sinabi ng prosekusyon na layunin ng mga susunod na testimonya na mabuo ang kabuuang larawan ng paglabas, paggamit, at pagsusuri ng confidential funds na pinag-uusapan sa impeachment trial.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,551 total reads

 5,551 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,353 total reads

 43,353 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,189 total reads

 97,189 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,578 total reads

 160,578 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,357 total reads

 228,357 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 42,538 total reads

 42,538 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top