Pagbabalik-loob sa Panginoon, susi ng kapayapaan — Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,154 total reads

Pagbabalik-loob sa Panginoon ang susi upang makamtam ang kapayapaan ng buong mundo.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Triduum Mass sa Our Lady of Fatima, Mandaluyong City bilang paghahanda sa kapistahan ng huling aparisyon ng Birhen ng Fatima tuwing ika-13 ng Oktubre.

“Peace is possible only through authentic conversion, peace could be attained only if God reigns in our heart, in our hearts, and in the world,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin ni Cardinal Advincula ang tunay na pagkilala sa kalooban ng tao sa halip na husgahan base sa panlabas na kaanyuan.

Hinikayat naman ni Fr. Carlos Reyes, Parish Priest ng Our Lady of Fatima, ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Fatima upang maghilom ang buong mundo.

Umaasa si Fr. Reyes na paigtingin ng mga mananampalataya ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan.

“Kagaya rin ng mensahe ng Our Lady of Fatima na tayo ay magpinetensya at magdasal ng Rosaryo, lalung-lalu na sa panahon ngayon na nagkakaroon ng digmaan sa Eastern Europe sa pagitan ng Ukraine at Russia. Medyo bumibigat na rin po ang ating buhay dahil tumataas po ang mga bilihin lalung lalu na po yung gasolina,” panayam ng Radio Veritas kay Fr. Reyes.

Malugod din ang pasasalamat ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos sa pagkakataon na nagtitipon ang mamamayan sa kabila ng mga suliranin na nararanasan ng buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 145,432 total reads

 145,432 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 203,598 total reads

 203,598 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 340,103 total reads

 340,103 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 452,082 total reads

 452,082 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 106,303 total reads

 106,303 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top