Pagbasura ng CA sa 2-B dolyar na danyos perwisyo ng Marcos human rights victims, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 272 total views

Kinondena ng dating chairman ng Human Rights Commission ang hindi pagkilala ng Court of Appeals sa 2-bilyong dolyar na damage claims ng mahigit sa 10-libong human rights victims sa panahon ng martial law ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Etta Rosales, dating chairman ng C-H-R at isa sa mga human rights petitioner na may diplomatic relation ang Pilipinas sa Amerika kayat lehitimo ang kanilang desisyon sa human rights claims ng mga biktima.

Bagama’t iba’t-iba ang kaso ng human rights, iginiit ni Rosales na ang pagsasawalang bahala ng C-A sa claims ay kakaiba dahil ang paglabag sa karapatang pantao ay pare-parehong paglabag sa dignidad ng bawat nilalang.

“Ang sinasabi namin, we have diplomatic relation with the United State government and by tradition usually ang mga foreign judgement of either country as long as they are legitimate and maayos no, they were adopted by the court can infact be enforce dito sa bawat isa, di dapat tingnan yung merit, kasi ginagalang yung bawat isa, tinitingnan mo na lang ay yung jurisdiction,” ayon kay Rosales.

Unang isinantabi ng 12th division ng C-A ang desisyon ng US federal government noong 1995 sa petisyong isinampa ni Rosales para ipatupad ang pagkakaloob ng 2-bilyong dolyar na danyos perwisyo sa mga biktima ng human rights.

Ang desisyon ay kasunod na rin ng pagtutol ng pamilya Marcos sa pagbabayad sa mga biktima ng human rights sa kabila ng naunang desisyon ng foreign court.

“No less than US supreme court and Swiss federal court recognized kaya nga inilipat yung pera ni Marcos, yung dummy foundation, dahil tingin nila nakaw yan. In essence kinilala ng mga korte na si Marcos ay magnanakaw. And therefore, Kaya ang mga perang ito ibinibalik. So yung judgement, na lamang nila na itong si Marcos di lang sya nagnakaw, kundi nanakit siya sa karapatang pantao ng mga biktima. Kaya sinasabi sinumang despotic leader na siyang nananakit sa kanyang kababayan, you can file for civil damages. Yan ang pagkilala dun sa mga biktima sa mga despotic leader na lumilipat sa US para tumatakas sa kanilang bansa. Ngayon walang katwiran na hindi mo iginagalang yung enforcement nito sa Philippine shore,” paliwanag ni Rosales sa panayam ng Radio Veritas.

Base sa datos, may 70 libo ang mga nakulong noong Martial law, 34 libo ang nakaranas ng torture at higit sa tatlong libo ang nasawi.

Sa mensahe ni Pope Francis, ang pagsusulong ng karapatang pantao ay hindi dapat matapos at kailangang kilalanin bilang pangunahing karapatan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,127 total views

 52,127 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,996 total views

 47,996 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,198 total views

 84,198 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 92,770 total views

 92,770 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,701 total views

 117,701 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top