Pagbisita sa pilgrim image ng mahal na birhen ng Guadalupe, isang biyaya sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,884 total views

Inihayag ng rector at parish priest ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City na higit pa sa isang relihiyosong gawain ang pagdating sa Pilipinas ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Ayon kay Fr. Carlos Reyes, ang pagbisita sa imahe ay isang paalala sa malalim na ugnayang espirituwal at pangkasaysayan ng bansa sa debosyon sa patrona ng Amerika.

Sinabi ng pari na malaking biyaya para sa mga Pilipino ang pagkakataong makadalaw at makapagbigay-pugay sa pilgrim image, tilma, at larawan ni San Juan Diego na nagmula mismo sa Mexico at kasalukuyang inililibot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“Nagkaroon ng pagkakataon na mailibot sa buong kapuluan ng Pilipinas,” ani Fr. Reyes, kasabay ng pagpapaliwanag na layunin ng pagdalaw na higit pang palaganapin ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe sa sambayanang Pilipino.

Nilinaw ng pari na hindi maihihiwalay ang kasaysayan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa Mexico, kung saan unang ipinahayag ng Mahal na Birhen ang kanyang sarili kay San Juan Diego noong 1531.

“Dahil ang ating pananampalataya ay may kaugnayan sa Mexico at sa mahabang panahon ay under tayo sa Archdiocese of Mexico noon bago tayo nahiwalay at naging Diocese of Manila,” ani Fr. Reyes.

Sinabi ni Fr. Reyes na doon nagsimula ang pagiging mga anak ng Guadalupe o ng Mahal na Ina na nagpakita sa Guadalupe.

Ayon sa pari, ang pagdating ng pilgrim image ay nagsisilbing pagbabalik-tanaw sa mga ugat ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas at sa mahalagang papel ng Guadalupe sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Amerika at maging sa mga bansang nakaugnay rito tulad ng Pilipinas.

Ibinahagi rin ni Fr. Reyes na ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay naging daan sa pagbabalik-loob ng milyon-milyong katutubo sa pananampalatayang Kristiyano at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling buhay sa iba’t ibang panig ng mundo.

Umaasa ang pari na ang pagdalaw ng pilgrim image ay magsisilbi ring pagkakataon upang higit na maunawaan ng iba’t ibang Kristiyanong pamayanan ang tunay na papel ni Maria sa pananampalataya.

“Hindi dapat ganito. She should be the one who is pointing us to Jesus,” ani Fr. Reyes, kaugnay ng kanyang panawagang gawing tulay ng pagkakaisa ang Mahal na Birhen sa halip na maging sanhi ng pagkakahati-hati.

Magbubukas sa publiko sa June 19 ang pagdalaw sa pilgrim image sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mag-alay ng panalangin at magbigay-pugay sa Mahal na Ina ng Guadalupe.

Magsisimula ang pagtitipon sa alas 5 ng hapon sa pamamagitan ng isang cultural show sa harapan ng dambana, na susundan ng banal na misa sa alas 6:30 ng hapon at public veneration para sa pilgrim image ng Mahal na Ina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 194,973 total views

 194,973 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,196 total views

 225,196 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,841 total views

 251,841 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,814 total views

 346,814 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,215 total views

 355,215 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top