Pagbubukas ng Bingo stalls sa Baguio, tinutulan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Baguio ang panukala ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Baguio na magbukas ng karagdagang mga bingo stalls.

Sa liham pastoral ni Bishop Victor Bendico iginiit nitong hindi magdudulot ng kabutihan sa mga pamilya ang pagkakaroon ng maraming pasugalan sa tinaguriang ‘summer capital’ ng bansa.

“We, the faithful of the Diocese of Baguio strongly oppose the proposal to have more bingo stalls in the City of Baguio to include the Province of Benguet; We cannot be proud to say that the City of Baguio is a peaceful city if there is havoc in many families due to the gambling activities approved by the people who were elected to take care of the common good of the electoral populace, bahagi ng liham pastoral ni Bishop Bendico.

Dismayado rin si Bishop Bendico na patuloy ang paglaganap ng mga pasugalan sa lungsod tulad ng electronic bingo at iba pa na unang tinutulan ng mga nagdaang obispo ng diyosesis.

Paalala pa ng obispo sa mamamayan ang pahayag noon ng namayapang dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Archbishop Oscar Cruz na ang sugal ay isang uri ng bisyo na maituturing gawain ng kasamaan.

Matatandang si Archbishop Cruz ay kilalang anti-gambling crusader kung saan partikular na nilabanan ng arsobispo ang sugal na ‘jueteng.’ Dahil dito nanawagan si Bishop Bendico sa mamamayan ng Baguio na magkaisang tutulan ang panukalang isinusulong ng RCC Global Entertainment Inc. na magbukas ng electronic at traditional bingo games at ilan pang sugal.

“May we then united to oppose the opening of other gambling areas where hopeful citizens can be lured to lose their money to the detriment of their families,” dagdag ng obispo.

Apela ni Bishop Bendico sa mga parokya na maglunsad ng signature campaign laban sa anumang uri ng sugal na isusulong sa lalawigan. Una nang sinabi ng Dicastery for Promoting Integral Human Development ng Vatican na ang pagsusulong ng sugal ay ‘unethical’ sapagkat nagtataguyod lamang ito ng bisyo na nakakasira sa pagkatao, pamilya at ng buong lipunan. Tiniyak ng diyosesis na patuloy labanan ang mga mapanirang gawain ng lipunan tulad ng sugal.

“Let us continue to act and to fight against gambling that destroys life, wreaks havoc on communities and promotes greed and addiction. I remain.” ani Bishop Bendico.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 35,897 total reads

 35,897 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 74,949 total reads

 74,949 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 195,527 total reads

 195,527 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 245,885 total reads

 245,885 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 372,372 total reads

 372,372 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top