Pagbuhay sa mining industry, tinutulan ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Kinondena ng Alyansa Tigil Mina ang rekomendasyon ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) ang panukalang buhayin ang industriya ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, sakaling nagpatuloy ang pagbuhay sa pagmimina ay magdudulot ng mas matinding pinsala sa kalikasan at paghihirap sa maraming pamayanan.

Paliwanag ni Garganera, mas maraming komunidad na mawawalan ng tahanan, paglaganap ng polusyon sa hangin at tubig, pagkasira ng likas na sistema ng kalikasan, pagguho ng mga lupa, at ang kawalan ng mapagkukunan ng pagkain.

“The mining industry’s economic contribution does not outweigh the harmful impacts to mining-affected communities in particular and the cumulative impacts of climate change and natural disasters for the whole country, in general,” pahayag ni Garganera.

Binigyang-diin din ni Garganera na ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) na rin mismo ang nagsasabi na ang industriya ng pagmimina ay hindi nagpapataas sa gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ayon sa tala ng MGB noong Hunyo 2021, umabot lamang sa 102.3 bilyong piso ang naibahagi ng sektor ng pagmimina o katumbas na 0.6 percent na paglago sa GDP noong 2020.

Bukod pa rito, mayroon din lamang 184,000 trabaho ang nalikha nito.

Giit pa ni Garganera na hindi ang pagmimina ang tugon sa suliranin upang makabangon ang ekonomiya ng bansa, bagkus dapat mas pagtuunan ang makatwirang pangangalaga at pamamahala sa mga likas na yaman ng bansa para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Kabilang na ang pagpapaigting at paglalaan ng malaking pondo para sa industriya ng agro-forestry, eco-tourism at watershed development, agriculture at fisheries, at ang community-based enterprises.

“Full disclosure of all the mine audit reports and the reviews of these mine audits must be implemented as soon as possible. Also, alternatives to mining must be considered for reviving the economy,” giit ni Garganera.

Hinamon din ni Garganera ang papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magtalaga ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi sumasang-ayon sa industriya ng pagmimina at mga mapaminsalang proyekto.

Nauna nang nanawagan ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na NASSA/Caritas Philippines na pakinggan ng pamahalaan ang panawagan ng taumbayan upang ganap nang maging batas ang mining moratorium sa bansa at panagutin ang mga sangkot sa mapaminsalang gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,345 total reads

 45,345 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,199 total reads

 125,199 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,646 total reads

 158,646 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,944 total reads

 193,944 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,741 total reads

 418,741 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,743 total reads

 156,743 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top