Pagbuwag sa death penalty; Pangunahing panalangin ng Santo Papa sa buong buwan ng Setyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,062 total views

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kaniyang pangunahing intensyon sa pananalangin sa buong buwan ng Setyembre sa tuluyang pagbuwag ng parusang kamatayan.

Nawa ayon sa Santo Papa ay isantabi na ng mga bansa ang parusang kamatayan na laban sa dignidad at buhay ng bawat nilalang.

SEPTEMBER
For the abolition of the death penalty
We pray that the death penalty, which attacks the dignity of the human person, may be legally abolished in every country.

Sa Pilipinas taong 1987 nang unang ipag-utos ng dating Pangulong Corazon Aquino ang pagbawi sa death penalty, bagama’t muling naipatupad sa ilalim ng Ramos Administration hanggang sa Estrada Administration.

Taong 1999 pinatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal onjection si Leo Echagaray sa kasong panggagahasa.

Taong 2000 naman nang ipatupad ng dating Pangulong Estrada ang moratorium para sa death penalty at tuluyang nang isinantabi ni dating Pangulong Gloria Arroyo taong 2006.

Ipinag-utos din ng dating pangulong Arroyo na ibaba sa habang buhay na pagkakulong ang mga pinatawan ng death penalty ang may higit isang libong preso.

Nananatili naman ang paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa planong ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Sa tala ng Amnesty International, nasa 144 mga bansa na ang nagbuwag o hindi nagpapatupad parusang kamatayan dahil sa kabiguan na mapababa ang kriminalidad sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 29,293 total views

 29,293 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 55,944 total views

 55,944 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 151,002 total views

 151,002 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 172,512 total views

 172,512 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 185,598 total views

 185,598 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top