Isabuhay ang aral ng ‘Season of Creation’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total reads

Hinikayat ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentine Dimoc ang bawat mananampalataya na isabuhay ang mga aral mula sa mga gawain sa pagdiriwang ng Season of Creation.
Ayon kay Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples na sa dami ng mga gawaing pumipinsala sa kapaligiran ay marapat lamang na kumilos na ang mga tao upang mapigilan ito.
“There are many ways of celebrating and living the Season of Creation. A way of life to celebrate it is by segregating our waste at home, planting vegetables in flower pots, and living simple lives,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.
Binigyang-diin din ng opisyal ng CBCP ang mahalagang gampanin ng mga katutubo bilang tagapagbantay ng kapaligiran.
Sinabi ni Bishop Dimoc na mahalagang isulong ang pangangalaga sa mga katutubong komunidad sapagkat nakakaranas ang mga ito ng pang-uusig at pagbabanta dahil sa paninindigang pangalagaan at ipagtanggol ang mga lupaing ninuno mula sa pagpasok ng malalaking korporasyon.
“Season of Creation also encourages us to advocate the protection of Indigenous peoples who are the guardians of the environment in their respective domains,” ayon kay Bishop Dimoc.
Dalangin naman ng Obispo ang patuloy na kaligtasan ng mga katutubo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan mula sa anumang panganib.
Tema ng Season of Creation ngayong taon ang ‘Listening to the Voice of Creation’ kung saan hinihikayat ang bawat isa na pakinggan at unawain ang kalagayan ng ating nag-iisang tahanan kabilang ang mga mahihirap na komunidad tulad ng mga katutubo na higit na apektado ng mapaminsalang pag-unlad.
Karaniwang ipinagdiriwang sa buong mundo ang panahon ng paglikha mula unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 4 kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,938 total reads

 66,938 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,591 total reads

 102,591 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,891 total reads

 137,891 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,161 total reads

 364,161 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,780 total reads

 253,780 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,729 total reads

 154,729 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top