Pagdagsa ng mananampalataya sa mga simbahan, inaasahan ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Patuloy ang Diyosesis ng Baguio sa pagtalima sa minimum health protocols laban sa coronavirus disease, makaraang luwagan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang travel restrictions sa lungsod.

Dito’y pahihintulutan lamang sa 3,000-turista kada araw ang maaaring pumasok sa lungsod na kailangan lamang ipakita ang QR-coded tourist pass, kalakip ang Certificate of Vaccination na nagpapakitang kumpleto na sa dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, inaasahan ngayon ng Diyosesis ang pagdagsa ng maraming turista mula sa mabababang lugar na nais ding magsimba kasabay ng kanilang intensyong mamasyal sa lungsod.

“So medyo lumuwag-luwag na ‘yung sitwasyon dito. So we still be expecting a lot of low landers… dahil dyan sa pagluwag ni Mayor Magalong.

Patuloy namang ipatutupad sa buong Diyosesis ang mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, maging ang paggamit ng alcohol upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

Inaasahan din ni Bishop Bendico na kasunod ng pagluwag sa travel restrictions sa lungsod ay tataasan na rin ang bilang ng kapasidad ng mga mananampalatayang nais nang pisikal na makadalo sa mga banal na pagdiriwang.

“Although wala pang official talaga na declaration coming from Mayor Magalong, inaasahan namin na yung seating capacity ay mag-increase na rin,” saad ni Bishop Bendico.

Mananatili sa General Community Quarantine ang lungsod ng Baguio hanggang sa Hulyo 15, kung saan hanggang 30-porsyento lamang ang pinapahintulutang seating capacity para sa religious gatherings.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,245 total reads

 11,245 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 50,688 total reads

 50,688 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 85,988 total reads

 85,988 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,257 total reads

 312,257 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,967 total reads

 204,967 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,412 total reads

 152,412 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top