Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggamit ng renewable energy, iginiit ng Obispo bagamat kinatigan ang 15-taong extension ng Malampaya gas-to-power project

SHARE THE TRUTH

 1,156 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan at mamamayan na paigtingin pa ang pagsusulong at pamumuhunan sa paggamit ng renewable energy sa bansa.

Ito ang panawagan ni CBCP-Episcopal Office on Stewardship chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa 15-taong pagpapalawig sa Malampaya gas-to-power project.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi maisasantabi na makakatulong ang pagpapalawig sa kontrata ng Malampaya para sa mga residente ng Palawan na palaging nakakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente.

“Sana sa pagpapalawig ng pamahalaan sa Malampaya ay makatulong talaga sa pagbibigay ng maayos na suplay ng kuryente lalo dito sa Palawan. Kasi ang Palawan, matagal nang may problema sa kuryente kahit malapit lang naman dito ang Malampaya gas field. Kaya sana totoo ang inisyatibo nila na tugunan ang power shortage sa Pilipinas,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Bagamat sang-ayon ang obispo sa inisyatibo ng pamahalaan, hindi pa rin dapat isantabi ang usapin ng paggamit ng fossil fuel dahil sa panganib at pinsalang idudulot nito sa kalikasan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kasabay ng pagpapalawig sa kontrata ay dapat manindigan pa rin ang pamahalaan sa pangakong paglipat at pamumuhunan sa renewable energy na nakikitang tugon sa krisis sa enerhiya at klima ng bansa.

Ipinaliwanag naman ng obispo na ang 15-taon ay pagkakataon para lubos na mapaghandaan ng bansa ang tuluyang pagpapalit at pamumuhunan sa malinis na enerhiya, hanggang sa tuluyan nang ihinto ang paggamit ng fossil fuel bilang mapagkukunan ng enerhiya.

“Sa ngayon, hindi pa natin kaya ang biglaang paglipat sa renewable energy kasi kaunti pa lang ang namumuhunan dito. Kaya nga dapat bago matapos ang kontrata ay marami na talagang gumagamit at tumatangkilik sa renewable energy tulad niyang solar, wind, at iba pa, para magtuluy-tuloy na talaga ang paggamit natin sa malinis, mura at ligtas na enerhiya para sa lahat,” giit ni Bishop Pabillo.

Una nang iminungkahi ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED) ang pagkakaroon ng maayos na Energy Transition Plan upang mas matukoy ang maaari pang mapagkunan ng renewable energy sa bansa, maging ang paghikayat sa mga energy distribution utilities na tangkilikin ito.

Panawagan naman ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 21,151 total views

 21,151 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 27,375 total views

 27,375 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 36,068 total views

 36,068 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 50,836 total views

 50,836 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 57,958 total views

 57,958 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pamahalaan, hinimok ng MAO na mamuhunan sa malinis na hangin

 3,610 total views

 3,610 total views Hinimok ng Move As One (MAO) Coalition ang pamahalaan na tumugon sa pandaigdigang panawagang mamuhunan sa malinis na hangin. Iginiit ng grupo ang pamumuhunan sa malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtataas ng pondo para sa mga low-carbon transport modes upang makinabang ang mamamayan sa mga benepisyong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at pangkalikasang dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

 3,636 total views

 3,636 total views Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha. Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

 5,182 total views

 5,182 total views Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan. Sinabi

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

 6,388 total views

 6,388 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol. Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

 6,890 total views

 6,890 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila. Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Iba’t-ibang social action centers ng simbahan, kaagapay ng mga apektado ng bagyong Enteng

 6,872 total views

 6,872 total views Patuloy na nananawagan ng panalangin ang mga diyosesis sa Bicol Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat. Sa situational report ng Caceres Archdiocesan Social Action Center o Caritas Caceres, umabot sa 254 pamilya o halos 2,700 indibdiwal mula sa 47 barangay ng 13 bayan at dalawang lungsod ng Camarines Sur ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-11 Season of Creation, bubuksan ng Archdiocese of Manila

 8,428 total views

 8,428 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagbubukas sa ika-11 Season of Creation sa arkidiyosesis. Magaganap ito sa August 31, 2024 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lourdes School of Mandaluyong sa Mandaluyong City. Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

400 energy experts, magbabagi ng kaalaman sa 3rd Clean Energy Philippines Expo 2024

 8,772 total views

 8,772 total views Magtitipon ang nasa 400 mga opisyal at dalubhasa mula sa energy companies sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo upang muling talakayin ang mga pag-unlad at iba pang usapin hinggil sa pagnanais na magkaroon ng malinis na enerhiya. Ito ang 3rd Clean Energy Philippines Conference | Expo 2024 na gaganapin sa September

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nanindigang walang nilalabag ang PNP sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

 9,539 total views

 9,539 total views Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa kabila ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ang pahayag ng DILG ay kaugnay sa inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao City Regional Trial Court

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

 9,859 total views

 9,859 total views Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation. Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City. Layunin ng gawaing ipalaganap ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinimok na makiisa sa “Season of Creations”

 12,588 total views

 12,588 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na palalimin ang kamalayan at ugnayan sa sangnilikha ng Diyos sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon. Sa mensahe ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinikayat ng obispo ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang, sama-samang manalangin at kumilos upang tugunan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamong kumilos para sa kalikasan

 13,161 total views

 13,161 total views Nananawagan ang Caritas Philippines sa mamamayan sa agarang pagkilos at pagkakaisa kasabay ng pagdiriwang sa 2024 Season of Creation. Ayon sa social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bilang mga katiwala ng sangnilikha, tungkulin ng bawat isang kumilos para sa kapakanan ng mga lubhang apektado ng pagkasira ng kalikasan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ng CBCP-ECHC sa pagkalat hg fake news sa MPOX virus

 12,619 total views

 12,619 total views Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mamamayan na iwasan ang paglikha ng maling impormasyon hinggil sa mpox (monkeypox) virus. Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ito’y upang hindi magdulot ng pagkabahala sa publiko lalo’t ang kumakalat na virus ay

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Paglilipat sa BOT ng PhilHealth funds,tinutulan ng Caritas Philippines

 13,121 total views

 13,121 total views Suportado ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isinampang petisyon sa Supreme Court upang protektahan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Hinihiling sa petisyon ang temporary restraining order at writ of preliminary injunction para pigilan ang paglilipat sa Bureau of Treasury ng humigit-kumulang P90-bilyong labis

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagbabala laban sa mga ‘scammer’

 14,877 total views

 14,877 total views Binalaan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko laban sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng opisyal ng simbahan upang manlinlang ng kapwa. Kaugnay ito sa mga pekeng facebook account na nagpapakilalang si Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag. Nababahala ang institusyon dahil maaari itong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top