Paggunita sa EDSA @40, pagpapahalaga sa demokrasya, pananampalataya at kalayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,015 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine ang patuloy ang pagbibigay buhay sa diwa ng EDSA People Power Revolution.

Kaugnay nito inaanyayahan ni Rev. Fr. Jerome Secillano, rektor ng EDSA Shrine ang sambayanan na muling pagnilayan ang nasyonalismo at aktibong pakikilahok sa pagpapatatag ng demokrasya ng bansa sa pagdiriwang ng ika-40 Anibersaryo ng People Power sa darating na Pebrero 22 hanggang 25, 2026.

Ayon sa Pari, ang paggunita sa makasaysayang tagumpay ng mapayapang rebolusyon ay hindi lamang pagbabalik-tanaw, kundi isang paanyaya lalo na para sa mga kabataan para sa mas malalim na pananagutan bilang mamamayan at mananampalataya.

“Yung mga kabataan natin ngayon ay hindi na alam kung anong nangyayari. Kaya number one objective natin ay to reminisce the first non-blooded people power. So kinakailangan balikan natin yung mga nangyayari 40 years ago upang magkaroon ng kaalaman yung ating mga kababayan. Lalong-lalo na yung mga kabataan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano.

Dagdag pa ng Pari, magiging makahulugan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga talakayan at pagbabahagi ng mga kilalang tagapagsalita at personalidad, na inaasahang magbibigay-lalim at saysay sa paggunita sa People Power bilang isang pananampalataya sa pagkilos.

Paliwanag ni Fr. Secillano, mahalagang maimulat ang kamalayan ng mga kabataan sa tunay na halaga ng demokrasya, kalayaan, pagkakaisa, at kapayapaan na pawang mensahe at diwa ng naganap na EDSA People Power Revolution.

“To instill in the minds and consciousness of the youth the essence and importance of democracy, freedom, and unity, and peace. Sabi nga po natin ang kabataan na yung pag-asa ng bayan kaya dapat maikintal sa kanilang isipan ang mga values na ito.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay muli ring hinihikayat ng Simbahan ang sambayanan na ipagpatuloy ang diwa ng mapayapang pagbabago na isang diwang nagmumula sa panalangin sa Diyos, at paghingi ng pamamagitan sa Mahal na Birheng Maria upang magsilbing gabay para sa pagkakaisa, na isa ring pagpapamalas ng tunay na pagmamahal sa bayan.

“Ihighten natin yung papel ng pananampalataya at divine providence sa lahat ng ating mga gawain. The late Cardinal Sin was very clear in his belief na ang nangyari 40 years ago dito sa EDSA, na tinawag natin people power, ay hindi lamang gawain ng mga taong nagbuklod. Bagkos ang tagumpay na nakamit ay sa pamamagitan din ng tulong o di kaya intervention ng mahal na birhen. So there is the role of faith and we cannot just simply undermine that.” Ayon pa kay Fr. Secillano.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang bawat mananampalataya na makibahagi sa Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng dambana sa ika-24 ng Pebrero, 2026 at paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2026.

Magsisimula ang Misa Nobernaryo ngayong ika-16 ng Pebrero, 2026 na isinasagawa tuwing alas-sais ng gabi sa pangunguna ng mga Obispo mula sa iba’t ibang mga diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,985 total reads

 73,985 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,065 total reads

 109,065 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,365 total reads

 144,365 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,634 total reads

 370,634 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,993 total reads

 259,993 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top