15,881 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino o sinumang nabibiktima ng human trafficking.
Ikinaalarma din ni CBCP-ECMI Chairman Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang ulat ng International Organization for Migration (IOM) na mula sa bilang na 125-libong biktima ng human trafficking sa buong mundo, umaabot sa 13,313 ang mga Pilipino sa bilang.
“‘The news that 13,313 among the more than 125,000 victims of human trafficking, according to the International Organization for Migration, are Filipinos, is really a serious cause for concern. We know that human trafficking is a modern-day form of slavery that should not exist in our time. But, unfortunately, it continues to exist, victimizing innocent people,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.
Nangako naman si Bishop Mesiona na pangalagaan ang mga biktima at pamilya nila upang makabalik sa normal na pamumuhay.
Makikipagtulungan din ang kumisyon sa pamahalaan upang higit na mapalaganap ang paglaban sa human trafficking at matiyak na hindi na mabibiktima nito ang mga Pilipinong naghahanap ng mabuting kinakabukasan para sa kanilang pamilya.
“We in ECMI, together with PIMAHT, try to assist the government, especially in promoting awareness of the danger of human trafficking, especially for Filipinos wanting to go abroad. It is so sad that in their desire for a better life by seeking a job abroad, they end up as victims of human trafficking. Our different churches are also trying to help victims of human trafficking,” ayon sa mensahe ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.
Aminado ang Obispo na dahil sa kahirapan ay dumarami ang bilang ng mga Pilipino na nabibiktima ng human trafficking syndicates.






